Surah An-Nahl Ayahs #90 Translated in Filipino
وَإِذَا رَأَى الَّذِينَ أَشْرَكُوا شُرَكَاءَهُمْ قَالُوا رَبَّنَا هَٰؤُلَاءِ شُرَكَاؤُنَا الَّذِينَ كُنَّا نَدْعُو مِنْ دُونِكَ ۖ فَأَلْقَوْا إِلَيْهِمُ الْقَوْلَ إِنَّكُمْ لَكَاذِبُونَ
At kung sila na nagtataguri ng mga katambal kay Allah ay makakamalas (sa mga tinatawag nila) na mga katambal (ni Allah), sila ay magsasabi: “ Aming Panginoon! Sila ang mga katambal na aming iniaakibat sa pagluhog sa Inyo.” Datapuwa’t sila (mga itinatambal na diyus-diyosan) ay magpupukol ng kanilang salita sa kanila (at magsasabi): “Katiyakan! Kayo ay tunay na mga sinungaling!”
وَأَلْقَوْا إِلَى اللَّهِ يَوْمَئِذٍ السَّلَمَ ۖ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَفْتَرُونَ
At sila ay magtatanghal (ng kanilang ganap) na pagsuko (lamang) kay Allah sa Araw na yaon, at ang mga huwad na diyus-diyosan nakanilangkinatha(anglahatngkanilangpinananalanginan maliban pa kay Allah, alalaong baga, ang mga imahen, mga banal na tao, mga pare, mga monako, mga angel, mga Jinn, si Anghel Gabriel, mga Tagapagbalita, atbp.) ay maglalaho sa kanila
الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوا عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ زِدْنَاهُمْ عَذَابًا فَوْقَ الْعَذَابِ بِمَا كَانُوا يُفْسِدُونَ
Sila na hindi sumasampalataya at humahadlang (sa mga tao) tungo sa Landas ni Allah, para sa kanila, Kami ay magdaragdag ng kaparusahan sa ibabaw ng (isang) kaparusahan; sapagkat sila ay nagsipagkalat ng katampalasan (sa pamamagitan ng kanilang pagsuway kay Allah, gayundin ang pag-uutos sa iba [sa sangkatauhan] na gumawa [rin] ng gayon
وَيَوْمَ نَبْعَثُ فِي كُلِّ أُمَّةٍ شَهِيدًا عَلَيْهِمْ مِنْ أَنْفُسِهِمْ ۖ وَجِئْنَا بِكَ شَهِيدًا عَلَىٰ هَٰؤُلَاءِ ۚ وَنَزَّلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ تِبْيَانًا لِكُلِّ شَيْءٍ وَهُدًى وَرَحْمَةً وَبُشْرَىٰ لِلْمُسْلِمِينَ
At (alalahanin) ang Araw na Aming ititindig sa bawat bansa (pamayanan) ang isang saksi mula sa kanilang lipon nang laban sa kanila. At ikaw (o Muhammad) ay Aming itatanghal bilang isang saksi laban sa mga ito. At Aming ipinanaog sa iyo ang Aklat (ang Qur’an) bilang paghahantad ng lahat ng bagay, isang patnubay, isang Habag, at mabuting balita para sa kanila na nagsuko ng kanilang sarili (kay Allah bilang mga Muslim)
إِنَّ اللَّهَ يَأْمُرُ بِالْعَدْلِ وَالْإِحْسَانِ وَإِيتَاءِ ذِي الْقُرْبَىٰ وَيَنْهَىٰ عَنِ الْفَحْشَاءِ وَالْمُنْكَرِ وَالْبَغْيِ ۚ يَعِظُكُمْ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ
Katotohanan, si Allah ay nagtatagubilin ng Al-Adl (alalaong baga, katarungan at pagsamba lamang kay Allah at wala ng iba, sa Kanyang Kaisahan, at pagsunod sa Islam) at Al-Ihsan (alalaong baga, ang maging matiyaga sa pagsasagawa ng inyong tungkulin kay Allah nang ganap, para sa Kanyang Kapakanan at ayon sa Sunna [mga legal na paraan] ng Propeta sa mahinusay na paraan), at pagbibigay (ng tulong) sa mga kaanak at kamag-anak (alalaong baga, ang lahat ng mga ipinag-utos ni Allah na maibibigay sa kanila, katulad ng kayamanan, pagdalaw, pagmamalasakit, o anumang uri ng tulong, atbp.), at nagbabawal ng Al-Fasha (alalaong baga, lahat ng masasamang gawa, katulad ng bawal na seksuwal na pakikipagtalik, pagsuway sa magulang, pagsamba sa mga diyus-diyosan, pagsisinungaling, pagsaksi ng walang katotohanan, pagpatay ng buhay ng walang kapamahalaan, atbp.), at Al-Munkar (alalaong baga, lahat ng mga bawal sa batas ng Islam; lahat ng uri nang pagsamba sa mga diyus-diyosan, kawalan ng pananalig, at lahat ng uri ng kasamaan, atbp.) at Al-Baghi (alalaong baga, ang lahat ng uri ng pangmamaliit at pang-aapi) ay Kanyang pinaaalalahanan kayo, upang kayo ay makinig at sumunod
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
