Surah An-Nahl Ayahs #69 Translated in Filipino
وَاللَّهُ أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَحْيَا بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَسْمَعُونَ
At si Allah ang nagpapamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap at Kanyang binigyang buhay ang kalupaan sa pamamagitan nito matapos na maging patay (tigang). Katotohanan, naririto ang isang Tanda (malinaw na katibayan) para sa mga tao na nakikinig (sumusunod kay Allah)
وَإِنَّ لَكُمْ فِي الْأَنْعَامِ لَعِبْرَةً ۖ نُسْقِيكُمْ مِمَّا فِي بُطُونِهِ مِنْ بَيْنِ فَرْثٍ وَدَمٍ لَبَنًا خَالِصًا سَائِغًا لِلشَّارِبِينَ
At katotohanan! Sa mga bakahan (hayupan) ay mayroong isang aral sa inyo. Aming biniyayaan kayo ng inumin kung ano ang nasa kanilang tiyan (puson), mula sa pagitan ng dumi at dugo, (ay may) dalisay na gatas, na malinamnam sa dila ng mga umiinom
وَمِنْ ثَمَرَاتِ النَّخِيلِ وَالْأَعْنَابِ تَتَّخِذُونَ مِنْهُ سَكَرًا وَرِزْقًا حَسَنًا ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ
At mula sa mga bunga ng palmera (datiles) at ubas, kayo ay nakakakuha ng matapang na inumin (ito ay bago ang pag-uutos, na ipinagbabawal ang nakalalasing na inumin), at isang mabuting panustos (na ikabubuhay). Katotohanan, naririto ang isang tiyak na Tanda para sa mga tao na may karunungan
وَأَوْحَىٰ رَبُّكَ إِلَى النَّحْلِ أَنِ اتَّخِذِي مِنَ الْجِبَالِ بُيُوتًا وَمِنَ الشَّجَرِ وَمِمَّا يَعْرِشُونَ
At ang iyong Panginoon ay nagbigay ng inspirasyon sa Bubuyog, na nagsasabi: “Gawin mong tahanan ang kabundukan, at mga punongkahoy at anumang kanilang itinayo
ثُمَّ كُلِي مِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ فَاسْلُكِي سُبُلَ رَبِّكِ ذُلُلًا ۚ يَخْرُجُ مِنْ بُطُونِهَا شَرَابٌ مُخْتَلِفٌ أَلْوَانُهُ فِيهِ شِفَاءٌ لِلنَّاسِ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ
At matapos, ay iyong kainin ang lahat ng mga bungangkahoy (prutas), at sundin ang mga pamamaraan ng iyong Panginoon na ginawa Niyang magaan (para sa iyo).” Sa kalaunan, ay may lalabas sa kanilang tiyan (puson), na isang inumin na may iba’t ibang kulay (pulot pukyutan), na naroroon ang panglunas (sa karamdaman) ng mga tao. Katotohanan, naririto ang isang tiyak na Tanda sa mga tao na may pag-iisip
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
