Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #68 Translated in Filipino

وَمَا أَنْزَلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ إِلَّا لِتُبَيِّنَ لَهُمُ الَّذِي اخْتَلَفُوا فِيهِ ۙ وَهُدًى وَرَحْمَةً لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ
At hindi Namin ipinanaog ang Aklat (ang Qur’an) sa iyo (O Muhammad) maliban lamang na iyong maipaliwanag sa kanila nang malinaw yaong mga bagay na hindi nila pinagkakasunduan, at (bilang) isang patnubay at isang habag sa mga tao na sumasampalataya
وَاللَّهُ أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَحْيَا بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَسْمَعُونَ
At si Allah ang nagpapamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap at Kanyang binigyang buhay ang kalupaan sa pamamagitan nito matapos na maging patay (tigang). Katotohanan, naririto ang isang Tanda (malinaw na katibayan) para sa mga tao na nakikinig (sumusunod kay Allah)
وَإِنَّ لَكُمْ فِي الْأَنْعَامِ لَعِبْرَةً ۖ نُسْقِيكُمْ مِمَّا فِي بُطُونِهِ مِنْ بَيْنِ فَرْثٍ وَدَمٍ لَبَنًا خَالِصًا سَائِغًا لِلشَّارِبِينَ
At katotohanan! Sa mga bakahan (hayupan) ay mayroong isang aral sa inyo. Aming biniyayaan kayo ng inumin kung ano ang nasa kanilang tiyan (puson), mula sa pagitan ng dumi at dugo, (ay may) dalisay na gatas, na malinamnam sa dila ng mga umiinom
وَمِنْ ثَمَرَاتِ النَّخِيلِ وَالْأَعْنَابِ تَتَّخِذُونَ مِنْهُ سَكَرًا وَرِزْقًا حَسَنًا ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ
At mula sa mga bunga ng palmera (datiles) at ubas, kayo ay nakakakuha ng matapang na inumin (ito ay bago ang pag-uutos, na ipinagbabawal ang nakalalasing na inumin), at isang mabuting panustos (na ikabubuhay). Katotohanan, naririto ang isang tiyak na Tanda para sa mga tao na may karunungan
وَأَوْحَىٰ رَبُّكَ إِلَى النَّحْلِ أَنِ اتَّخِذِي مِنَ الْجِبَالِ بُيُوتًا وَمِنَ الشَّجَرِ وَمِمَّا يَعْرِشُونَ
At ang iyong Panginoon ay nagbigay ng inspirasyon sa Bubuyog, na nagsasabi: “Gawin mong tahanan ang kabundukan, at mga punongkahoy at anumang kanilang itinayo

Choose other languages: