Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #56 Translated in Filipino

وَلَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَهُ الدِّينُ وَاصِبًا ۚ أَفَغَيْرَ اللَّهِ تَتَّقُونَ
Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at (lahat ng nasa) kalupaan at sa Kanya ang Ad Din Wasiba (alalaong baga, ang patuloy na katapatan at pagsunod sa Kanya ay kinakailangan. Wala ng iba pang diyos na karapat- dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya [Allah]). Pangangambahan ba ninyo ang iba pa maliban kay Allah
وَمَا بِكُمْ مِنْ نِعْمَةٍ فَمِنَ اللَّهِ ۖ ثُمَّ إِذَا مَسَّكُمُ الضُّرُّ فَإِلَيْهِ تَجْأَرُونَ
At kung anuman ang mga biyaya at magagandang bagay na nasa inyo, ito ay mula kay Allah. Subalit, kung ang kasamaan (kapinsalaan) ay dumatal sa inyo, kayo ay sa Kanya naninikluhod ng tulong
ثُمَّ إِذَا كَشَفَ الضُّرَّ عَنْكُمْ إِذَا فَرِيقٌ مِنْكُمْ بِرَبِّهِمْ يُشْرِكُونَ
Datapuwa’t kung Kanyang pawiin ang kapinsalaan sa inyo, pagmasdan!, ang iba sa inyo ay nagtatambal ng iba pa sa pagsamba sa kanilang Panginoon (Allah)
لِيَكْفُرُوا بِمَا آتَيْنَاهُمْ ۚ فَتَمَتَّعُوا ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ
Kaya’t (ang magiging bunga nito), sila ay nagtatakwil (ng walang pasasalamat) sa mga (Biyaya ni Allah) na Aming ipinagkaloob sa kanila! Kaya’t magsipagsaya kayo sa inyong sarili (sa maigsi ninyong pananatili), datapuwa’t inyong mapag-aalaman ito (ng may pagsisisi)
وَيَجْعَلُونَ لِمَا لَا يَعْلَمُونَ نَصِيبًا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ ۗ تَاللَّهِ لَتُسْأَلُنَّ عَمَّا كُنْتُمْ تَفْتَرُونَ
At sila ay nagkakatiwala ng isang bahagi ng mga ipinagkaloob Namin sa kanila tungo sa bagay na hindi nila batid (mga huwad na diyos). Sa pamamagitan ni Allah, katotohanang kayo ay tatanungin sa lahat ng inyong mga kabulaanan

Choose other languages: