Surah An-Nahl Ayahs #37 Translated in Filipino
هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا أَنْ تَأْتِيَهُمُ الْمَلَائِكَةُ أَوْ يَأْتِيَ أَمْرُ رَبِّكَ ۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ اللَّهُ وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ
Sila ba (ang mga hindi sumasampalataya at mapagsamba sa mga diyus-diyosan) ay naghihintay hanggang ang mga anghel ay dumating sa kanila (upang kunin ang kanilang kaluluwa sa kanilang pagkamatay), o di kaya ay marapat na dumatal ang pag-uutos (alalaong baga, ang parusa sa Araw ng Muling Pagkabuhay) ng inyong Panginoon? Gayundin ang ginawa noong nauna sa kanila. At si Allah ay hindi nagpalungi sa kanila, datapuwa’t ipinalungi nila ang kanilang sarili
فَأَصَابَهُمْ سَيِّئَاتُ مَا عَمِلُوا وَحَاقَ بِهِمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ
Kaya’t ang masamang bunga ng kanilang mga gawa ay sumakmal sa kanila, at yaong dati nilang nililibak ay pumaligid sa kanila
وَقَالَ الَّذِينَ أَشْرَكُوا لَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا عَبَدْنَا مِنْ دُونِهِ مِنْ شَيْءٍ نَحْنُ وَلَا آبَاؤُنَا وَلَا حَرَّمْنَا مِنْ دُونِهِ مِنْ شَيْءٍ ۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ فَهَلْ عَلَى الرُّسُلِ إِلَّا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ
At sila na nagtatambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah ay nagsasabi: “Kung ninais lamang ni Allah, kami, gayundin ang aming mga ninuno ay wala sanang sasambahin pang iba maliban sa Kanya, at hindi rin naman namin ipagbabawal ang anuman kung wala (ang Pag-uutos mula) sa Kanya.” At gayundin ang ginawa noong mga nauna sa kanila. Kung gayon, ang mga Tagapagbalita ba ay binigyan pa ng ibang pananagutan maliban na maiparating nila nang malinaw ang Mensahe?”
وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَسُولًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ هَدَى اللَّهُ وَمِنْهُمْ مَنْ حَقَّتْ عَلَيْهِ الضَّلَالَةُ ۚ فَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ
At katotohanang Kami ay nagsugo sa bawat Ummah (bansa o pamayanan) ng isang Tagapagbalita (na nagpapahayag): “Sambahin lamang si Allah at iwasan (o layuan) ang lahat ng Taghut (lahat ng mga diyus-diyosan at iba pang mali na sinasamba, atbp., alalaong baga, huwag nang sumamba pa sa iba maliban kay Allah).” At ang ilan sa kanila ay ginabayan ni Allah, at ang ilan sa kanila ay iniligaw ng may kadahilanan (o katarungan). Kaya’t magsipaglakbay kayo sa kalupaan at malasin kung ano ang kinahinatnan ng mga nagtatakwil (sa Katotohanan)
إِنْ تَحْرِصْ عَلَىٰ هُدَاهُمْ فَإِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي مَنْ يُضِلُّ ۖ وَمَا لَهُمْ مِنْ نَاصِرِينَ
Kung ikaw (O Muhammad) ay naghahangad sa kanilang patnubay, kung gayon, katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa sinumang nais Niyang mapaligaw (o walang sinuman ang makakapamatnubay sa kanya na binayaan ni Allah na maligaw). At sila ay walang magiging kawaksi
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
