Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #36 Translated in Filipino

الَّذِينَ تَتَوَفَّاهُمُ الْمَلَائِكَةُ طَيِّبِينَ ۙ يَقُولُونَ سَلَامٌ عَلَيْكُمُ ادْخُلُوا الْجَنَّةَ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
Yaong mga tao na binawian ng buhay ng mga anghel habang sila ay nasa banal na kalagayan (alalaong baga, malinis sa kasalanan at sumasamba lamang kay Allah), sa kanila ay ipagbabadya: “Salamun alaikum (Sumainyo ang kapayapaan). Magsipasok kayo sa Paraiso, dahilan sa kabutihan na inyong ginawa (sa mundong ito).”
هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا أَنْ تَأْتِيَهُمُ الْمَلَائِكَةُ أَوْ يَأْتِيَ أَمْرُ رَبِّكَ ۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ اللَّهُ وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ
Sila ba (ang mga hindi sumasampalataya at mapagsamba sa mga diyus-diyosan) ay naghihintay hanggang ang mga anghel ay dumating sa kanila (upang kunin ang kanilang kaluluwa sa kanilang pagkamatay), o di kaya ay marapat na dumatal ang pag-uutos (alalaong baga, ang parusa sa Araw ng Muling Pagkabuhay) ng inyong Panginoon? Gayundin ang ginawa noong nauna sa kanila. At si Allah ay hindi nagpalungi sa kanila, datapuwa’t ipinalungi nila ang kanilang sarili
فَأَصَابَهُمْ سَيِّئَاتُ مَا عَمِلُوا وَحَاقَ بِهِمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ
Kaya’t ang masamang bunga ng kanilang mga gawa ay sumakmal sa kanila, at yaong dati nilang nililibak ay pumaligid sa kanila
وَقَالَ الَّذِينَ أَشْرَكُوا لَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا عَبَدْنَا مِنْ دُونِهِ مِنْ شَيْءٍ نَحْنُ وَلَا آبَاؤُنَا وَلَا حَرَّمْنَا مِنْ دُونِهِ مِنْ شَيْءٍ ۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ فَهَلْ عَلَى الرُّسُلِ إِلَّا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ
At sila na nagtatambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah ay nagsasabi: “Kung ninais lamang ni Allah, kami, gayundin ang aming mga ninuno ay wala sanang sasambahin pang iba maliban sa Kanya, at hindi rin naman namin ipagbabawal ang anuman kung wala (ang Pag-uutos mula) sa Kanya.” At gayundin ang ginawa noong mga nauna sa kanila. Kung gayon, ang mga Tagapagbalita ba ay binigyan pa ng ibang pananagutan maliban na maiparating nila nang malinaw ang Mensahe?”
وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَسُولًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ هَدَى اللَّهُ وَمِنْهُمْ مَنْ حَقَّتْ عَلَيْهِ الضَّلَالَةُ ۚ فَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ
At katotohanang Kami ay nagsugo sa bawat Ummah (bansa o pamayanan) ng isang Tagapagbalita (na nagpapahayag): “Sambahin lamang si Allah at iwasan (o layuan) ang lahat ng Taghut (lahat ng mga diyus-diyosan at iba pang mali na sinasamba, atbp., alalaong baga, huwag nang sumamba pa sa iba maliban kay Allah).” At ang ilan sa kanila ay ginabayan ni Allah, at ang ilan sa kanila ay iniligaw ng may kadahilanan (o katarungan). Kaya’t magsipaglakbay kayo sa kalupaan at malasin kung ano ang kinahinatnan ng mga nagtatakwil (sa Katotohanan)

Choose other languages: