Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #18 Translated in Filipino

وَهُوَ الَّذِي سَخَّرَ الْبَحْرَ لِتَأْكُلُوا مِنْهُ لَحْمًا طَرِيًّا وَتَسْتَخْرِجُوا مِنْهُ حِلْيَةً تَلْبَسُونَهَا وَتَرَى الْفُلْكَ مَوَاخِرَ فِيهِ وَلِتَبْتَغُوا مِنْ فَضْلِهِ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
At Kanyang ipinailalim (sa pamamalakad) ang karagatan (sa inyo) upang magsikain kayo rito ng sariwa at malambot na laman (alalaong baga, ng isda, pagkaing- dagat, atbp.), at mula rin dito ay makakakuha kayo ng mga palamuti na maisusuot. At napagmamasdan ninyo ang barko na sumusuyod dito upang kayo ay magsihanap ng Kanyang biyaya (sa pamamagitan ng pagdadala ng mga paninda mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar), at upang kayo ay magkaroon ng pasasalamat
وَأَلْقَىٰ فِي الْأَرْضِ رَوَاسِيَ أَنْ تَمِيدَ بِكُمْ وَأَنْهَارًا وَسُبُلًا لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ
At inilapat Niya sa kalupaan ang mga kabundukan na matatag na nakatayo, (kung hindi) maaari itong mauga na kasama ninyo, at ang mga ilog at daan, upang inyong mapatnubayan ang inyong sarili
وَعَلَامَاتٍ ۚ وَبِالنَّجْمِ هُمْ يَهْتَدُونَ
At mga tanda sa lupa (mga palatandaan, atbp. sa mga oras ng maghapon) at sa pamamagitan ng mga bituin (sa mga oras ng gabi), sila (ang sangkatauhan) ay makakagabay sa kanilang sarili
أَفَمَنْ يَخْلُقُ كَمَنْ لَا يَخْلُقُ ۗ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Siya kaya na Lumilikha ay katulad ng isa na walang nilikha? Hindi baga kayo makakaala-ala
وَإِنْ تَعُدُّوا نِعْمَةَ اللَّهِ لَا تُحْصُوهَا ۗ إِنَّ اللَّهَ لَغَفُورٌ رَحِيمٌ
At kung inyong bibilangin ang mga pagpapala ni Allah, katiyakan, kailanman ay hindi ninyo ito makakayang bilangin. Katotohanan! Si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

Choose other languages: