Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #117 Translated in Filipino

وَلَقَدْ جَاءَهُمْ رَسُولٌ مِنْهُمْ فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمُ الْعَذَابُ وَهُمْ ظَالِمُونَ
At katotohanan! dumatal sa kanila ang isang Tagapagbalita (Muhammad) mula sa kanilang lipon, datapuwa’t kanilang itinakwil siya, kaya’t ang kaparusahan ay sumakmal sa kanila habang sila ay Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, buhong, buktot, atbp)
فَكُلُوا مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ حَلَالًا طَيِّبًا وَاشْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ إِنْ كُنْتُمْ إِيَّاهُ تَعْبُدُونَ
Kaya’t kumain kayo ng pinahihintulutan at mabuting pagkain na ipinagkaloob ni Allah sa inyo. At magkaroon ng damdamin ng pasasalamat sa mga Pagpapala (Biyaya) ni Allah, kung Siya ang inyong sinasamba
إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيْكُمُ الْمَيْتَةَ وَالدَّمَ وَلَحْمَ الْخِنْزِيرِ وَمَا أُهِلَّ لِغَيْرِ اللَّهِ بِهِ ۖ فَمَنِ اضْطُرَّ غَيْرَ بَاغٍ وَلَا عَادٍ فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Kanyang ipinagbawal lamang sa inyo ang Al-Maytatah (ang karne ng patay na hayop), ang dugo, ang laman ng baboy, at anumang hayop na kinatay bilang isang alay (sakripisyo) sa mga iba maliban pa kay Allah (o kinatay para sa mga imahen o diyus-diyosan, atbp., o rito ang pangalan ni Allah ay hindi binanggit habang ito ay kinakatay). Datapuwa’t kung sinuman ang napilitan dahil sa matinding pangangailangan na walang pagnanais na sumuway at hindi lumalabag (sa hangganan ng pagsuway), - kung gayon, si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَلَا تَقُولُوا لِمَا تَصِفُ أَلْسِنَتُكُمُ الْكَذِبَ هَٰذَا حَلَالٌ وَهَٰذَا حَرَامٌ لِتَفْتَرُوا عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَفْتَرُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ لَا يُفْلِحُونَ
At huwag kayong mangusap ng tungkol sa kabulaanan na itinatambad ng inyong dila: “Ito ay pinahihintulutan, at ito ay ipinagbabawal”, upang kayo ay makakatha ng mga kasinungalingan laban kay Allah. Katotohanan! Sila na kumakatha ng kasinungalingan laban kay Allah ay hindi kailanman magtatagumpay
مَتَاعٌ قَلِيلٌ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Isang pansamantalang kasiyahan na lumilipas (ang sasakanila), datapuwa’t sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan

Choose other languages: