Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #108 Translated in Filipino

إِنَّ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ لَا يَهْدِيهِمُ اللَّهُ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Katotohanan! Sila na hindi sumasampalataya sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) niAllah,- siAllahayhindimamamatnubay sa kanila at sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan
إِنَّمَا يَفْتَرِي الْكَذِبَ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْكَاذِبُونَ
Sila lamang na hindi nananampalataya sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ni Allah, at sila na kumakatha ng kabulaanan, sila nga ang mga sinungaling
مَنْ كَفَرَ بِاللَّهِ مِنْ بَعْدِ إِيمَانِهِ إِلَّا مَنْ أُكْرِهَ وَقَلْبُهُ مُطْمَئِنٌّ بِالْإِيمَانِ وَلَٰكِنْ مَنْ شَرَحَ بِالْكُفْرِ صَدْرًا فَعَلَيْهِمْ غَضَبٌ مِنَ اللَّهِ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Sinuman ang magtakwil sa pananampalataya matapos na siya ay manampalataya, maliban sa kanya na sapilitang pinagawa nito at ang puso ay nakasadlak sa Pananalig, - subalit sila na naglantad ng kanilang dibdib sa kawalan ng pananalig, - sasapit sa kanila ang Poot ni Allah, at sasakanila ang matinding kaparusahan
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمُ اسْتَحَبُّوا الْحَيَاةَ الدُّنْيَا عَلَى الْآخِرَةِ وَأَنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْكَافِرِينَ
Ito’y sa dahilang higit na minahal at ninais nila ang buhay sa mundong ito ng higit sa Kabilang Buhay. At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na hindi nananampalataya
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ طَبَعَ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ وَسَمْعِهِمْ وَأَبْصَارِهِمْ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْغَافِلُونَ
Sila yaong ang puso, pandinig (mga tainga), at mga mata (paningin) ay tinakpan ni Allah. At sila ay hindi nakikinig at sumusunod

Choose other languages: