Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qasas Ayahs #81 Translated in Filipino

وَابْتَغِ فِيمَا آتَاكَ اللَّهُ الدَّارَ الْآخِرَةَ ۖ وَلَا تَنْسَ نَصِيبَكَ مِنَ الدُّنْيَا ۖ وَأَحْسِنْ كَمَا أَحْسَنَ اللَّهُ إِلَيْكَ ۖ وَلَا تَبْغِ الْفَسَادَ فِي الْأَرْضِ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْمُفْسِدِينَ
Datapuwa’t inyong paghanapin (sa pamamagitan ng gayong kayamanan) na ipinagkaloob sa inyo ni Allah, ang Tahanan ng Kabilang Buhay, at gayundin naman, ay huwag ninyong kaligtaan ang inyong bahagi ng pinahihintulutang kasiyahan sa mundong ito, nguni’t magsigawa kayo ng kabutihan, kung paano rin naman naging mabuti si Allah sa inyo, at huwag kayong maghanap (ng pagkakataon) na makapagkalat ng kasamaan sa kalupaan. Katotohanang si Allah ay hindi nagmamahal sa Mufsidun (mga mapaggawa ng kabuktutan, mapang-api, tampalasan, buhong, atbp)
قَالَ إِنَّمَا أُوتِيتُهُ عَلَىٰ عِلْمٍ عِنْدِي ۚ أَوَلَمْ يَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ قَدْ أَهْلَكَ مِنْ قَبْلِهِ مِنَ الْقُرُونِ مَنْ هُوَ أَشَدُّ مِنْهُ قُوَّةً وَأَكْثَرُ جَمْعًا ۚ وَلَا يُسْأَلُ عَنْ ذُنُوبِهِمُ الْمُجْرِمُونَ
Siya (Korah) ay nagsabi: “Ito ay ipinagkaloob sa akin dahilan sa natatanging karunungan na aking angkin.” Hindi baga niya batid na winasak ni Allah bago pa sa kanya (ang lahat) ng mga henerasyon, mga tao na higit na mahusay sa kanya sa lakas at higit na marami (ang mga kayamanan) na kanilang nalikom? Datapuwa’t ang Mujrimun (mga buktot, kriminal, walang pananalig, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.) ay hindi inuusisa o (karaka-rakang) tinatawag upang magsulit ng kanilang mga kasalanan (sapagkat si Allah ang ganap na nakakaalam dito at sila ay mapaparusahan ng hindi kinakailangan ang pagsusulit)
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوْمِهِ فِي زِينَتِهِ ۖ قَالَ الَّذِينَ يُرِيدُونَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا يَا لَيْتَ لَنَا مِثْلَ مَا أُوتِيَ قَارُونُ إِنَّهُ لَذُو حَظٍّ عَظِيمٍ
Kaya’t siya ay pumaroon sa kanyang pamayanan (na palalo sa kanyang makamundong) kinang. Ang mga tao na ang layunin lamang ay Buhay sa Mundong ito ay nagsasabi: “Oh! Sana’y nagkaroon din kami ng katulad ng mga nakamtan ni Korah! Katotohanang siya ang panginoon (may angkin) ng malaking kayamanan!”
وَقَالَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ وَيْلَكُمْ ثَوَابُ اللَّهِ خَيْرٌ لِمَنْ آمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا وَلَا يُلَقَّاهَا إِلَّا الصَّابِرُونَ
Datapuwa’t ang mga tao na nabigyan ng tunay na karunungan (sa pananampalataya) ay nagsabi: “Kasawian sa iyo! Ang gantimpala ni Allah (sa Kabilang Buhay) ay higit na mainam sa mga nananampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, at walang makapag-aangkin nito maliban sa mga tao na matimtiman at matitiyaga (sa pagsunod sa katotohanan).”
فَخَسَفْنَا بِهِ وَبِدَارِهِ الْأَرْضَ فَمَا كَانَ لَهُ مِنْ فِئَةٍ يَنْصُرُونَهُ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَمَا كَانَ مِنَ الْمُنْتَصِرِينَ
Kaya’t inutusan Namin ang lupa na lagumin siya at ang kanyang tahanan, at siya ay wala ni isa mang pangkat o kapanalig (kahit na maliit) upang tulungan siya laban kay Allah, gayundin, siya ay hindi kabilang sa kanila na maipagtatanggol ang kanilang sarili

Choose other languages: