Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mulk Ayahs #28 Translated in Filipino

قُلْ هُوَ الَّذِي ذَرَأَكُمْ فِي الْأَرْضِ وَإِلَيْهِ تُحْشَرُونَ
Ipagbadya : “Siya ang nagparami sa inyong bilang (at angkan) dito sa sangkalupaan at sa Kanya ay titipunin kayo ng sama-sama (sa Kabilang Buhay)
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْوَعْدُ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Sila ay nagsisipag-usisa: “Kailan baga kaya magaganap ang pangakong yaon (alalaong baga, ang Araw ng Pagkabuhay)?, kung ikaw ay nagsasaysay ng katotohanan.”
قُلْ إِنَّمَا الْعِلْمُ عِنْدَ اللَّهِ وَإِنَّمَا أَنَا نَذِيرٌ مُبِينٌ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ang kapamahalaan (ng takdang oras nito) ay tanging na kay Allah lamang. Ako ay isinugo lamang bilang isang Tagapagpaala-ala sa inyo.”
فَلَمَّا رَأَوْهُ زُلْفَةً سِيئَتْ وُجُوهُ الَّذِينَ كَفَرُوا وَقِيلَ هَٰذَا الَّذِي كُنْتُمْ بِهِ تَدَّعُونَ
(At sa kalaunan), kung kanilang mahinuha na sasapit na (ang kaparusahan ng Araw ng Muling Pagkabuhay), ang mukha ng mga hindi sumasampalataya ay mangapupuspos ng lumbay (kalungkutan at pighati), at sa kanila ay ipagtuturing : “Ito ang pangako na inyong hinihiling noon!”
قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ أَهْلَكَنِيَ اللَّهُ وَمَنْ مَعِيَ أَوْ رَحِمَنَا فَمَنْ يُجِيرُ الْكَافِرِينَ مِنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ
Ipagbadya (o Muhammad): “Napag-aakala ba ninyo na kung si Allah ay pupuksa sa akin at sa aking mga kasama, o kung Siya ay maggawad ng Kanyang Habag sa atin, sino baga kaya ang makakapagligtas sa mga hindi sumasampalataya sa kasakit-sakit na Kaparusahan?”

Choose other languages: