Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maarij Ayahs #15 Translated in Filipino

يُبَصَّرُونَهُمْ ۚ يَوَدُّ الْمُجْرِمُ لَوْ يَفْتَدِي مِنْ عَذَابِ يَوْمِئِذٍ بِبَنِيهِ
Bagama’t sila ay biniyayaan na magkatinginan sa isa’t isa (alalaong baga, sa Araw ng Muling Pagkabuhay ang lahat ay makakakilala sa kanyang ama, mga anak at mga kamag-anak, datapuwa’t siya ay hindi mangungusap sa kanila o hihingi sa kanila ng tulong). Ang ninanais ng Mujrimun (mga makasalanan, kriminal, walang pananalig kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita na si Muhammad, atbp.) sa Araw na yaon ay matubos niya ang kanyang sarili sa Kaparusahan na ang kabayaran ay ang kanyang mga anak
وَصَاحِبَتِهِ وَأَخِيهِ
At kanyang asawa at kanyang kapatid
وَفَصِيلَتِهِ الَّتِي تُؤْوِيهِ
At kanyang kamag-anak na nagbigay sa kanya ng masisilungan
وَمَنْ فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا ثُمَّ يُنْجِيهِ
At ng lahat-lahat ng nasa kalupaan; kung ito ang makakapagligtas sa kanya
كَلَّا ۖ إِنَّهَا لَظَىٰ
Sa anumang kaparaanan, ito ay walang saysay! Katotohanang ito ay Apoy ng Impiyerno

Choose other languages: