Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #98 Translated in Filipino

قَالُوا يَا ذَا الْقَرْنَيْنِ إِنَّ يَأْجُوجَ وَمَأْجُوجَ مُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ فَهَلْ نَجْعَلُ لَكَ خَرْجًا عَلَىٰ أَنْ تَجْعَلَ بَيْنَنَا وَبَيْنَهُمْ سَدًّا
Sila ay nagsabi: “O Dhul-Qarnain! Katotohanang si Gog at Magog ay gumagawa ng malaking kabuktutan sa kalupaan. Kami baga ay magbabayad sa iyo ng buwis (o pagkilala) upang ikaw ay magtayo ng isang sagka sa pagitan namin at nila?”
قَالَ مَا مَكَّنِّي فِيهِ رَبِّي خَيْرٌ فَأَعِينُونِي بِقُوَّةٍ أَجْعَلْ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُمْ رَدْمًا
Siya ay nagsabi: “Yaong (kayamanan, kapamahalaan at kapangyarihan) na itinatag sa akin ng aking Panginoon ay higit na mainam (sa inyong buwis o pagkilala). Kaya’t inyong tulungan ako ng lakas (ng mga tao), ako ay magtatayo ng sagka sa pagitan ninyo at nila
آتُونِي زُبَرَ الْحَدِيدِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا سَاوَىٰ بَيْنَ الصَّدَفَيْنِ قَالَ انْفُخُوا ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَعَلَهُ نَارًا قَالَ آتُونِي أُفْرِغْ عَلَيْهِ قِطْرًا
Ako’y bigyan ninyo ng mga piraso ng bakal; at nang mapuno na niya ang puwang sa pagitan ng dalawang bangin ng bundok, siya ay nagsabi: “(Inyong) hipan”. Hanggang nang magawa niya ito (na kasimpula ng) apoy, siya ay nagsabi: “Inyong bigyan ako ng lusaw na tanso upang ibuhos sa ibabaw nito.”
فَمَا اسْطَاعُوا أَنْ يَظْهَرُوهُ وَمَا اسْتَطَاعُوا لَهُ نَقْبًا
Kaya’t sila (Gog at Magog) ay nawalan ng lakas na akyatin ito o humukay sa kapal nito
قَالَ هَٰذَا رَحْمَةٌ مِنْ رَبِّي ۖ فَإِذَا جَاءَ وَعْدُ رَبِّي جَعَلَهُ دَكَّاءَ ۖ وَكَانَ وَعْدُ رَبِّي حَقًّا
(Si dhul-Qarnain) ay nagsabi: “Ito ay isang habag mula sa aking Panginoon, datapuwa’t kung ang pangako ng aking Panginoon ay dumatal, ito ay Kanyang papatagin na kapantay ng lupa. At ang pangako ng aking Panginoon ay nananatiling tunay.”

Choose other languages: