Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #101 Translated in Filipino

فَمَا اسْطَاعُوا أَنْ يَظْهَرُوهُ وَمَا اسْتَطَاعُوا لَهُ نَقْبًا
Kaya’t sila (Gog at Magog) ay nawalan ng lakas na akyatin ito o humukay sa kapal nito
قَالَ هَٰذَا رَحْمَةٌ مِنْ رَبِّي ۖ فَإِذَا جَاءَ وَعْدُ رَبِّي جَعَلَهُ دَكَّاءَ ۖ وَكَانَ وَعْدُ رَبِّي حَقًّا
(Si dhul-Qarnain) ay nagsabi: “Ito ay isang habag mula sa aking Panginoon, datapuwa’t kung ang pangako ng aking Panginoon ay dumatal, ito ay Kanyang papatagin na kapantay ng lupa. At ang pangako ng aking Panginoon ay nananatiling tunay.”
وَتَرَكْنَا بَعْضَهُمْ يَوْمَئِذٍ يَمُوجُ فِي بَعْضٍ ۖ وَنُفِخَ فِي الصُّورِ فَجَمَعْنَاهُمْ جَمْعًا
At sa Araw na yaon (alalaong baga, ang Araw na si Gog at Magog ay hahantad), sila ay Aming hahayaan na rumagasa sa isa’t isa na tulad ng mga alon, at ang Tambuli ay hihipan, at sila ay Aming titipunin nang sama-sama
وَعَرَضْنَا جَهَنَّمَ يَوْمَئِذٍ لِلْكَافِرِينَ عَرْضًا
At sa Araw na yaon ay Aming itatambad ng lantad ang Impiyerno sa mga hindi sumasampalataya
الَّذِينَ كَانَتْ أَعْيُنُهُمْ فِي غِطَاءٍ عَنْ ذِكْرِي وَكَانُوا لَا يَسْتَطِيعُونَ سَمْعًا
At sila, na ang mga mata ay nasa ilalim ng lambong ng Aking Tagubilin (ang Qur’an) at hindi makatagal na mapakinggan (ito)

Choose other languages: