Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #95 Translated in Filipino

كَذَٰلِكَ وَقَدْ أَحَطْنَا بِمَا لَدَيْهِ خُبْرًا
Kaya’t (gayon nga)! At batid Namin ang lahat-lahat sa kanya (dhul-Qarnain)
ثُمَّ أَتْبَعَ سَبَبًا
At siya ay sumunod (sa ibang) landas
حَتَّىٰ إِذَا بَلَغَ بَيْنَ السَّدَّيْنِ وَجَدَ مِنْ دُونِهِمَا قَوْمًا لَا يَكَادُونَ يَفْقَهُونَ قَوْلًا
Hanggang nang kanyang marating ang pagitan ng dalawang bundok, kanyang natagpuan na malapit sa mga ito (dalawang bundok) ang mga tao na halos ay walang nauunawaang salita
قَالُوا يَا ذَا الْقَرْنَيْنِ إِنَّ يَأْجُوجَ وَمَأْجُوجَ مُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ فَهَلْ نَجْعَلُ لَكَ خَرْجًا عَلَىٰ أَنْ تَجْعَلَ بَيْنَنَا وَبَيْنَهُمْ سَدًّا
Sila ay nagsabi: “O Dhul-Qarnain! Katotohanang si Gog at Magog ay gumagawa ng malaking kabuktutan sa kalupaan. Kami baga ay magbabayad sa iyo ng buwis (o pagkilala) upang ikaw ay magtayo ng isang sagka sa pagitan namin at nila?”
قَالَ مَا مَكَّنِّي فِيهِ رَبِّي خَيْرٌ فَأَعِينُونِي بِقُوَّةٍ أَجْعَلْ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُمْ رَدْمًا
Siya ay nagsabi: “Yaong (kayamanan, kapamahalaan at kapangyarihan) na itinatag sa akin ng aking Panginoon ay higit na mainam (sa inyong buwis o pagkilala). Kaya’t inyong tulungan ako ng lakas (ng mga tao), ako ay magtatayo ng sagka sa pagitan ninyo at nila

Choose other languages: