Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #85 Translated in Filipino

فَأَرَدْنَا أَنْ يُبْدِلَهُمَا رَبُّهُمَا خَيْرًا مِنْهُ زَكَاةً وَأَقْرَبَ رُحْمًا
Kaya’t aming ninais na ang kanilang Panginoon ay palitan siya (batang lalaki) para sa kanila ng isang higit na mainam (na anak) sa kabutihan at katuwiran at malapit sa Habag
وَأَمَّا الْجِدَارُ فَكَانَ لِغُلَامَيْنِ يَتِيمَيْنِ فِي الْمَدِينَةِ وَكَانَ تَحْتَهُ كَنْزٌ لَهُمَا وَكَانَ أَبُوهُمَا صَالِحًا فَأَرَادَ رَبُّكَ أَنْ يَبْلُغَا أَشُدَّهُمَا وَيَسْتَخْرِجَا كَنْزَهُمَا رَحْمَةً مِنْ رَبِّكَ ۚ وَمَا فَعَلْتُهُ عَنْ أَمْرِي ۚ ذَٰلِكَ تَأْوِيلُ مَا لَمْ تَسْطِعْ عَلَيْهِ صَبْرًا
At tungkol sa dingding (o bakod), ito ay pag-aari ng dalawang batang lalaki na naulila sa kanilang bayan; at mayroon sa ilalim nito na isang kayamanan na nararapat sa kanila; at ang kanilang ama ay isang matuwid na tao, at ang iyong Panginoon ay nagnais na kanilang sapitin ang wastong gulang at lakas upang kanilang makuha ang kayamanan bilang isang biyaya mula sa iyong Panginoon. At ito ay hindi ko ginawa sa aking sariling kagustuhan. Ito ang kahulugan ng gayong (mga bagay) na hindi ka makatiis na hindi mag-usisa.”
وَيَسْأَلُونَكَ عَنْ ذِي الْقَرْنَيْنِ ۖ قُلْ سَأَتْلُو عَلَيْكُمْ مِنْهُ ذِكْرًا
At sila ay nagtatanong sa iyo tungkol kay dhul-Qarnain. Ipagbadya: “Aking isasalaysay sa inyo ang ilang bahagi ng kanyang kasaysayan.”
إِنَّا مَكَّنَّا لَهُ فِي الْأَرْضِ وَآتَيْنَاهُ مِنْ كُلِّ شَيْءٍ سَبَبًا
Katotohanang Aming itinindig siya sa kalupaan at siya ay Aming binigyan ng ikadadali ng lahat ng bagay (maging maginhawa)
فَأَتْبَعَ سَبَبًا
At siya ay sumunod sa isang daan

Choose other languages: