Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #87 Translated in Filipino

وَيَسْأَلُونَكَ عَنْ ذِي الْقَرْنَيْنِ ۖ قُلْ سَأَتْلُو عَلَيْكُمْ مِنْهُ ذِكْرًا
At sila ay nagtatanong sa iyo tungkol kay dhul-Qarnain. Ipagbadya: “Aking isasalaysay sa inyo ang ilang bahagi ng kanyang kasaysayan.”
إِنَّا مَكَّنَّا لَهُ فِي الْأَرْضِ وَآتَيْنَاهُ مِنْ كُلِّ شَيْءٍ سَبَبًا
Katotohanang Aming itinindig siya sa kalupaan at siya ay Aming binigyan ng ikadadali ng lahat ng bagay (maging maginhawa)
فَأَتْبَعَ سَبَبًا
At siya ay sumunod sa isang daan
حَتَّىٰ إِذَا بَلَغَ مَغْرِبَ الشَّمْسِ وَجَدَهَا تَغْرُبُ فِي عَيْنٍ حَمِئَةٍ وَوَجَدَ عِنْدَهَا قَوْمًا ۗ قُلْنَا يَا ذَا الْقَرْنَيْنِ إِمَّا أَنْ تُعَذِّبَ وَإِمَّا أَنْ تَتَّخِذَ فِيهِمْ حُسْنًا
Hanggang nang kanyang sapitin ang lugar ng paglubog ng araw ay kanyang natagpuanitonanakalubogsadalisdisngmaitimatmaburak (o mainit) na tubig. At siya ay nakatagpo sa malapit dito ng isang pamayanan. Kami (Allah) ay nagsabi (sa kanya) sa pamamagitan ng inspirasyon: “o dhul-Qarnain! Sila ay maaari mong parusahan, o pakitunguhan sila ng kabaitan.”
قَالَ أَمَّا مَنْ ظَلَمَ فَسَوْفَ نُعَذِّبُهُ ثُمَّ يُرَدُّ إِلَىٰ رَبِّهِ فَيُعَذِّبُهُ عَذَابًا نُكْرًا
Siya (dhul-Qarnain) ay nagsabi: “At sa kanya (isang hindi nananalig sa Kaisahan ni Allah) na gumagawa ng kamalian, siya ay Aming parurusahan; at pagkaraan, siya ay ibabalik sa kanyang Panginoon na Siyang magpaparusa sa kanya ng isang kakila-kilabot na kaparusahan (Impiyerno)

Choose other languages: