Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Jumua Ayahs #6 Translated in Filipino

هُوَ الَّذِي بَعَثَ فِي الْأُمِّيِّينَ رَسُولًا مِنْهُمْ يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِهِ وَيُزَكِّيهِمْ وَيُعَلِّمُهُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَإِنْ كَانُوا مِنْ قَبْلُ لَفِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
Siya (Allah) ang nagsugo sa mga hindi nakapag-aral ng isang Tagapagbalita (Muhammad) mula sa kanilang lipon, upang kanyang dalitin sa kanila ang Kanyang mga Talata, upang sila ay maging dalisay (sa kawalan ng pananalig at pagsamba sa mga diyus-diyosan) at sila ay mapatnubayan ng Aklat ng Karunungan (ang Qur’an, mga Batas Islamiko, Sunnah-mga salitain ni Propeta Muhammad). Katotohanang sila nang panahong sinauna ay nasa lantad na kamalian
وَآخَرِينَ مِنْهُمْ لَمَّا يَلْحَقُوا بِهِمْ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
At Kanyang isinugo rin siya (si Propeta Muhammad) sa mga iba pang (Muslim) na hindi pa sumasama sa kanila (datapuwa’t sila ay darating) . At Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaalam
ذَٰلِكَ فَضْلُ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ ذُو الْفَضْلِ الْعَظِيمِ
Ito ang Biyaya ni Allah na Kanyang ipinagkakaloob sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ang Naghahawak ng walang Maliw na Biyaya
مَثَلُ الَّذِينَ حُمِّلُوا التَّوْرَاةَ ثُمَّ لَمْ يَحْمِلُوهَا كَمَثَلِ الْحِمَارِ يَحْمِلُ أَسْفَارًا ۚ بِئْسَ مَثَلُ الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِ اللَّهِ ۚ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
Ang nakakatulad nila na pinagkatiwalaan ng (mga tungkulin) ng Torah (mga Batas, alalaong baga, ang sumunod sa pag-uutos nito at magsagawa nito), ngunit hindi naglaon ay nabigo sa ganitong mga tungkulin, ay katulad ng asno na nagpapasan ng malaking dalahin 880 ng mga aklat (ngunit walang nauunawaan sa mga ito). Kasamaan ang nakakawangki ng mga tao na nagtatatwa ng Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, talata, atbp.) ni Allah, at si Allah ay hindi namamatnubay sa Zalimun (mga gumagawa ng kamalian, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, sa Kanyang mga Tagapagbalita, sa Kanyang mga Aklat, atbp)
قُلْ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ هَادُوا إِنْ زَعَمْتُمْ أَنَّكُمْ أَوْلِيَاءُ لِلَّهِ مِنْ دُونِ النَّاسِ فَتَمَنَّوُا الْمَوْتَ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Ipagbadya (O Muhammad): “O kayong mga Hudyo! Kung kayo ay nagkukunwari bilang mga kaibigan ni Allah, na nagbubukod sa (lahat) ng sangkatauhan, kung gayon ay magnais kayo ng kamatayan kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”

Choose other languages: