Surah Al-Isra Ayahs #92 Translated in Filipino
قُلْ لَئِنِ اجْتَمَعَتِ الْإِنْسُ وَالْجِنُّ عَلَىٰ أَنْ يَأْتُوا بِمِثْلِ هَٰذَا الْقُرْآنِ لَا يَأْتُونَ بِمِثْلِهِ وَلَوْ كَانَ بَعْضُهُمْ لِبَعْضٍ ظَهِيرًا
Ipagbadya: “Kung ang sangkatauhan at mga Jinn ay magsama-sama upang makagawa ng katulad nitong Qur’an, sila ay hindi makakagawa ng katulad nito, kahit na sila ay magtulungan sa isa’t isa.”
وَلَقَدْ صَرَّفْنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ مِنْ كُلِّ مَثَلٍ فَأَبَىٰ أَكْثَرُ النَّاسِ إِلَّا كُفُورًا
At katotohanang Aming ipinaliwanag nang ganap sa sangkatauhan ang Qur’an na ito, at lahat ng uri ng paghahambing, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay tumatanggi (sa Katotohanan at hindi tumanggap ng anuman) maliban sa kawalan ng pananalig
وَقَالُوا لَنْ نُؤْمِنَ لَكَ حَتَّىٰ تَفْجُرَ لَنَا مِنَ الْأَرْضِ يَنْبُوعًا
At sila ay nagsasabi: “Kami ay hindi sasampalataya sa iyo (O Muhammad), hanggang hindi mo pinapangyari para sa amin na ang batis ay umagos (bumalong) mula sa lupa
أَوْ تَكُونَ لَكَ جَنَّةٌ مِنْ نَخِيلٍ وَعِنَبٍ فَتُفَجِّرَ الْأَنْهَارَ خِلَالَهَا تَفْجِيرًا
o ikaw ay mayroong halamanan ng punong palmera (datiles) at mga ubas, at mapangyari na ang mga ilog ay magsidaloy sa pagitan nila nang masagana
أَوْ تُسْقِطَ السَّمَاءَ كَمَا زَعَمْتَ عَلَيْنَا كِسَفًا أَوْ تَأْتِيَ بِاللَّهِ وَالْمَلَائِكَةِ قَبِيلًا
o iyong papangyarihin na ang kalangitan (alapaap) ay mahulog ng pira-piraso sa amin na kagaya ng iyong pinaninindigan, o iyong dalhin si Allah at ang mga anghel sa harapan (namin) nang lantad
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
