Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #88 Translated in Filipino

قُلْ كُلٌّ يَعْمَلُ عَلَىٰ شَاكِلَتِهِ فَرَبُّكُمْ أَعْلَمُ بِمَنْ هُوَ أَهْدَىٰ سَبِيلًا
Ipagbadya (o Muhammad sa sangkatauhan): “Ang bawat isa ay gumagawa ng ayon sa Shakilatihi (alalaong baga, ang kanyang paraan o kanyang pananampalataya o kanyang mga layunin, atbp.), at ang inyong Panginoon ang ganap na nakakabatid sa kanya na nasa tumpak na Landas (pananampalataya, atbp.).”
وَيَسْأَلُونَكَ عَنِ الرُّوحِ ۖ قُلِ الرُّوحُ مِنْ أَمْرِ رَبِّي وَمَا أُوتِيتُمْ مِنَ الْعِلْمِ إِلَّا قَلِيلًا
At sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhamamad) tungkol sa ruh (ang Espiritu o kaluluwa); iyong ipagbadya: “Ang ruh (ang Espiritu o kaluluwa); ang kaalaman dito ay nasa aking Panginoon. At sa karunungan, kayo (ang sangkatauhan) ay pinagkalooban lamang ng kaunti.”
وَلَئِنْ شِئْنَا لَنَذْهَبَنَّ بِالَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ ثُمَّ لَا تَجِدُ لَكَ بِهِ عَلَيْنَا وَكِيلًا
At kung Aming ninais, katiyakan na Aming kukunin ang bagay na Aming ipinahayag sa iyo sa inspirasyon (alalaong baga, ang Qur’an). At ikaw ay hindi makakatagpo ng tagapagtanggol sa iyo laban sa Amin sa gayong bagay
إِلَّا رَحْمَةً مِنْ رَبِّكَ ۚ إِنَّ فَضْلَهُ كَانَ عَلَيْكَ كَبِيرًا
Maliban lamang ang isang Habag mula sa iyong Panginoon. Katotohanan, ang Kanyang Biyaya sa iyo (o Muhammad) ay lagi nang masagana
قُلْ لَئِنِ اجْتَمَعَتِ الْإِنْسُ وَالْجِنُّ عَلَىٰ أَنْ يَأْتُوا بِمِثْلِ هَٰذَا الْقُرْآنِ لَا يَأْتُونَ بِمِثْلِهِ وَلَوْ كَانَ بَعْضُهُمْ لِبَعْضٍ ظَهِيرًا
Ipagbadya: “Kung ang sangkatauhan at mga Jinn ay magsama-sama upang makagawa ng katulad nitong Qur’an, sila ay hindi makakagawa ng katulad nito, kahit na sila ay magtulungan sa isa’t isa.”

Choose other languages: