Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #90 Translated in Filipino

وَلَئِنْ شِئْنَا لَنَذْهَبَنَّ بِالَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ ثُمَّ لَا تَجِدُ لَكَ بِهِ عَلَيْنَا وَكِيلًا
At kung Aming ninais, katiyakan na Aming kukunin ang bagay na Aming ipinahayag sa iyo sa inspirasyon (alalaong baga, ang Qur’an). At ikaw ay hindi makakatagpo ng tagapagtanggol sa iyo laban sa Amin sa gayong bagay
إِلَّا رَحْمَةً مِنْ رَبِّكَ ۚ إِنَّ فَضْلَهُ كَانَ عَلَيْكَ كَبِيرًا
Maliban lamang ang isang Habag mula sa iyong Panginoon. Katotohanan, ang Kanyang Biyaya sa iyo (o Muhammad) ay lagi nang masagana
قُلْ لَئِنِ اجْتَمَعَتِ الْإِنْسُ وَالْجِنُّ عَلَىٰ أَنْ يَأْتُوا بِمِثْلِ هَٰذَا الْقُرْآنِ لَا يَأْتُونَ بِمِثْلِهِ وَلَوْ كَانَ بَعْضُهُمْ لِبَعْضٍ ظَهِيرًا
Ipagbadya: “Kung ang sangkatauhan at mga Jinn ay magsama-sama upang makagawa ng katulad nitong Qur’an, sila ay hindi makakagawa ng katulad nito, kahit na sila ay magtulungan sa isa’t isa.”
وَلَقَدْ صَرَّفْنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ مِنْ كُلِّ مَثَلٍ فَأَبَىٰ أَكْثَرُ النَّاسِ إِلَّا كُفُورًا
At katotohanang Aming ipinaliwanag nang ganap sa sangkatauhan ang Qur’an na ito, at lahat ng uri ng paghahambing, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay tumatanggi (sa Katotohanan at hindi tumanggap ng anuman) maliban sa kawalan ng pananalig
وَقَالُوا لَنْ نُؤْمِنَ لَكَ حَتَّىٰ تَفْجُرَ لَنَا مِنَ الْأَرْضِ يَنْبُوعًا
At sila ay nagsasabi: “Kami ay hindi sasampalataya sa iyo (O Muhammad), hanggang hindi mo pinapangyari para sa amin na ang batis ay umagos (bumalong) mula sa lupa

Choose other languages: