Surah Al-Isra Ayahs #62 Translated in Filipino
وَإِنْ مِنْ قَرْيَةٍ إِلَّا نَحْنُ مُهْلِكُوهَا قَبْلَ يَوْمِ الْقِيَامَةِ أَوْ مُعَذِّبُوهَا عَذَابًا شَدِيدًا ۚ كَانَ ذَٰلِكَ فِي الْكِتَابِ مَسْطُورًا
At walang isa mang bayan (pamayanan) ang hindi Namin wawasakin bago maganap ang Araw ng Muling Pagkabuhay, o parusahan ito ng isang matinding kaparusahan. Ito ay nakatala sa Aklat (ng Aming Pag-uutos)
وَمَا مَنَعَنَا أَنْ نُرْسِلَ بِالْآيَاتِ إِلَّا أَنْ كَذَّبَ بِهَا الْأَوَّلُونَ ۚ وَآتَيْنَا ثَمُودَ النَّاقَةَ مُبْصِرَةً فَظَلَمُوا بِهَا ۚ وَمَا نُرْسِلُ بِالْآيَاتِ إِلَّا تَخْوِيفًا
At walang anuman ang makakapigil sa Amin sa pagpapadala ng Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), datapuwa’t ang mga tao ng panahong sinauna ay nagtatwa rito. At Aming ipinadala ang babaeng kamelyo kay Thamud bilang isang maliwanag na Tanda, datapuwa’t siya (ang babaeng kamelyo) ay ipinalungi nila (ginawan siya ng kabuhungan). At hindi Kami nagpadala ng mga Tanda maliban na ito ay makakapagbigay ng babala, at upang sila ay mangamba (sa pagkawasak)
وَإِذْ قُلْنَا لَكَ إِنَّ رَبَّكَ أَحَاطَ بِالنَّاسِ ۚ وَمَا جَعَلْنَا الرُّؤْيَا الَّتِي أَرَيْنَاكَ إِلَّا فِتْنَةً لِلنَّاسِ وَالشَّجَرَةَ الْمَلْعُونَةَ فِي الْقُرْآنِ ۚ وَنُخَوِّفُهُمْ فَمَا يَزِيدُهُمْ إِلَّا طُغْيَانًا كَبِيرًا
At (gunitain) nang Aming wikain sa iyo: “Katotohanan, ang iyong Panginoon ang nakakasakop sa sangkatauhan (alalaong baga, sila ay nasa Kanyang pamamahala).” At Aming ipinagkaloob ang pangitain (pananaw, ang Al- Isra) na Aming ipinamalas sa iyo (o Muhammad, bilang isang aktuwal na saksi na nakamalas at hindi bilang isang panaginip), datapuwa’t isang pagsubok sa sangkatauhan, at katulad din naman, ang isinumpang puno (ang Zaqqum, na nabanggit) sa Qur’an; Kami ay nagbabala at Aming ginawa na sila ay mangamba, datapuwa’t ito ay lalo lamang nagpasidhi sa kanila sa wala maliban sa malaking kawalan ng pananalig, pang-aapi, at pagsuway kay Allah
وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ قَالَ أَأَسْجُدُ لِمَنْ خَلَقْتَ طِينًا
At (alalahanin) nang Aming wikain sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan.” Sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis. Siya (Iblis) ay nagsabi: “Ako ba ay magpapatirapa sa kanya na Inyong nilikha mula sa malagkit na putik?”
قَالَ أَرَأَيْتَكَ هَٰذَا الَّذِي كَرَّمْتَ عَلَيَّ لَئِنْ أَخَّرْتَنِ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ لَأَحْتَنِكَنَّ ذُرِّيَّتَهُ إِلَّا قَلِيلًا
(Si Iblis) ay nagsabi: “Siya ba ay nakikita (Ninyo), na Inyong pinapurihan ng higit sa akin? Kung ako ay (Inyong) bibigyan ng palugit (hayaang ako ay mabuhay) hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay, katotohanang aking sasakmalin at ililigaw ang kanyang mga anak (mga lahi, sa pamamagitan ng paggugumon sa kanila sa kamalian), silang lahat, maliban lamang sa ilan!”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
