Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #19 Translated in Filipino

مَنِ اهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِي لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا ۚ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۗ وَمَا كُنَّا مُعَذِّبِينَ حَتَّىٰ نَبْعَثَ رَسُولًا
Sinuman ang tumahak sa katuwiran, kung gayon siya ay gumawa nang tumpak sa kapakinabangan ng kanyang sarili. At kung sinuman ang maligaw, kung gayon, siya ay naligaw sa kanyang sariling kapahamakan. walang sinuman na may mga pasanin ang maaaring magdala ng pasanin ng iba. At Kami kailanman ay hindi magpaparusa malibang Kami ay nagsugo muna ng isang Tagapagbalita (upang magbigay ng babala)
وَإِذَا أَرَدْنَا أَنْ نُهْلِكَ قَرْيَةً أَمَرْنَا مُتْرَفِيهَا فَفَسَقُوا فِيهَا فَحَقَّ عَلَيْهَا الْقَوْلُ فَدَمَّرْنَاهَا تَدْمِيرًا
At kung Kami ay magpasya na wasakin ang isang bayan (pamayanan), Kami muna ay nagpapadala (sa simula) ng isang tiyak na pag-uutos (na sundin si Allah at maging matuwid) sakanilanglipon(odikaya, Kamiaymagpaparami muna sa bilang ng pamayanan nito) na pinagkalooban ng mabubuting bagay sa buhay na ito. At sila ay sumuway dito, kaya’t ang salita (ng kaparusahan) ay may katuwiran laban (sa kanila), kaya’t Aming winasak ito ng may ganap na kapinsalaan
وَكَمْ أَهْلَكْنَا مِنَ الْقُرُونِ مِنْ بَعْدِ نُوحٍ ۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ بِذُنُوبِ عِبَادِهِ خَبِيرًا بَصِيرًا
At gaano karami na ba ang henerasyon (mga nangaunang bansa o pamayanan) ang Amin nang winasak pagkaraan ni Noe! At sapat na ang iyong Panginoon bilang isang may Ganap na Kaalaman at Ganap na Nakakamasid ng mga kasalanan ng Kanyang mga alipin
مَنْ كَانَ يُرِيدُ الْعَاجِلَةَ عَجَّلْنَا لَهُ فِيهَا مَا نَشَاءُ لِمَنْ نُرِيدُ ثُمَّ جَعَلْنَا لَهُ جَهَنَّمَ يَصْلَاهَا مَذْمُومًا مَدْحُورًا
Sinuman ang magnais ng pagmamadali (sa pansamantalang kaligayahan sa mundong ito), Kami ay kagyat na magkakaloob sa kanya ng anumang Aming naisin sa sinumang Aming maibigan. At matapos ito, ay Aming itinalaga para sa kanya ang Impiyerno, siya ay susunugin dito ng may kahihiyan at pagtatakwil, - na lubhang malayo sa Habag ni Allah
وَمَنْ أَرَادَ الْآخِرَةَ وَسَعَىٰ لَهَا سَعْيَهَا وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَأُولَٰئِكَ كَانَ سَعْيُهُمْ مَشْكُورًا
At sinuman ang magnais sa Kabilang Buhay at magsikap dito, na may laang pagsisikhay na nararapat dito (alalaong baga, ang gumawa ng mga kabutihan at maging masunurin kay Allah) habang siya ay nananalig (sa Kaisahan ni Allah, at sa Islam), kung gayon, siya yaong ang pagsisikap ay pinahahalagahan, pinasasalamatan at ginagantimpalaan (ni Allah)

Choose other languages: