Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #15 Translated in Filipino

وَيَدْعُ الْإِنْسَانُ بِالشَّرِّ دُعَاءَهُ بِالْخَيْرِ ۖ وَكَانَ الْإِنْسَانُ عَجُولًا
At ang tao ay nananawagan (kay Allah) sa kasamaan kung paano siya nananawagan sa kabutihan at ang tao ay palaging nagmamadali (alalaong baga, kung siya ay nagagalit sa sinuman, siya ay dagliang nananalangin [na nagsasabi]: “O Allah, Inyong sumpain siya, atbp.”, at ito ay hindi niya marapat na gawin, bagkus ay maging mapagpasensiya
وَجَعَلْنَا اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ آيَتَيْنِ ۖ فَمَحَوْنَا آيَةَ اللَّيْلِ وَجَعَلْنَا آيَةَ النَّهَارِ مُبْصِرَةً لِتَبْتَغُوا فَضْلًا مِنْ رَبِّكُمْ وَلِتَعْلَمُوا عَدَدَ السِّنِينَ وَالْحِسَابَ ۚ وَكُلَّ شَيْءٍ فَصَّلْنَاهُ تَفْصِيلًا
At Aming itinalaga ang gabi at araw (maghapon) bilang dalawang tanda (mula sa Amin). Ginawa Namin ang tanda ng Gabi ay maging madilim samantalang ginawa Namin ang tanda ng Araw (Maghapon) ay maging maliwanag upang kayo ay magsihanap ng kasaganaan ng inyong Panginoon, at upang inyong maalaman ang bilang ng mga taon at paggunita (o pagsusulit o kailan). Ang lahat ng bagay ay Aming ipinaliwanag nang masusi
وَكُلَّ إِنْسَانٍ أَلْزَمْنَاهُ طَائِرَهُ فِي عُنُقِهِ ۖ وَنُخْرِجُ لَهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ كِتَابًا يَلْقَاهُ مَنْشُورًا
At Aming itinali ang mga gawa ng bawat tao sa kaniyang leeg, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay Aming ilalantad para sa kanya ang isang aklat na matatagpuan niya na nakabukas nang malapad
اقْرَأْ كِتَابَكَ كَفَىٰ بِنَفْسِكَ الْيَوْمَ عَلَيْكَ حَسِيبًا
(At sa kanya ay ipagtuturing): “Basahin mo ang iyong aklat. Ang iyong sarili ay sapat na bilang tagapagpaala-ala laban sa iyo sa Araw na ito.”
مَنِ اهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِي لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا ۚ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۗ وَمَا كُنَّا مُعَذِّبِينَ حَتَّىٰ نَبْعَثَ رَسُولًا
Sinuman ang tumahak sa katuwiran, kung gayon siya ay gumawa nang tumpak sa kapakinabangan ng kanyang sarili. At kung sinuman ang maligaw, kung gayon, siya ay naligaw sa kanyang sariling kapahamakan. walang sinuman na may mga pasanin ang maaaring magdala ng pasanin ng iba. At Kami kailanman ay hindi magpaparusa malibang Kami ay nagsugo muna ng isang Tagapagbalita (upang magbigay ng babala)

Choose other languages: