Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hujraat Ayahs #18 Translated in Filipino

قَالَتِ الْأَعْرَابُ آمَنَّا ۖ قُلْ لَمْ تُؤْمِنُوا وَلَٰكِنْ قُولُوا أَسْلَمْنَا وَلَمَّا يَدْخُلِ الْإِيمَانُ فِي قُلُوبِكُمْ ۖ وَإِنْ تُطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ لَا يَلِتْكُمْ مِنْ أَعْمَالِكُمْ شَيْئًا ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Ang mga Bedouin (mga Arabong nananahan sa disyerto) ay nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya.” Ipagbadya: “Kayo ay hindi sumasampalataya, bagkus ay nagsasabi lamang” ng: “Kami ay nagsuko ng aming kalooban kay Allah (sa Islam)”, sapagkat hindi pa pumasok ang pananampalataya sa inyong puso. Datapuwa’t kung inyong susundin si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita, hindi Niya mamaliitin ang inyong mga gawa at babawasan ang inyong gantimpala. Katotohanang si Allah ay Malimit na Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ثُمَّ لَمْ يَرْتَابُوا وَجَاهَدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الصَّادِقُونَ
Ang mga sumasampalataya ay sila lamang na nananalig kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, at hindi nagkaroon ng anumang pag-aalinlangan sa pasimula pa, bagkus ay nagsikhay na kasama ang kanilang mga ari-arian at kanilang buhay tungo sa Kapakanan ni Allah. Sila nga! Sila ang matatapat
قُلْ أَتُعَلِّمُونَ اللَّهَ بِدِينِكُمْ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۚ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Ipagbadya: “Ano? Ipaaalam ba ninyo kay Allah ang tungkol sa inyong relihiyon?” Samantalang si Allah ang nakakabatid ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan. Si Allah ang may Ganap na Kaalaman sa lahat ng bagay
يَمُنُّونَ عَلَيْكَ أَنْ أَسْلَمُوا ۖ قُلْ لَا تَمُنُّوا عَلَيَّ إِسْلَامَكُمْ ۖ بَلِ اللَّهُ يَمُنُّ عَلَيْكُمْ أَنْ هَدَاكُمْ لِلْإِيمَانِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Sila ay nagtuturing na isang kagandahang loob (mula sa kanila) tungo sa iyo (o Muhammad) na sila ay yumakap sa Islam. Iyong ipagbadya: “Huwag ninyong ituring ang inyong Islam bilang isang kagandahang loob (ninyo) sa akin.” Hindi, datapuwa’t si Allah ang nagkaloob ng kagandahang loob sa inyo, at Kanyang ginabayan kayo sa Pananalig upang kayo ay maging matuwid at matapat
إِنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ غَيْبَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ
Katotohanang si Allah ang nakakabatid ng mga nalilingid sa kalangitan at kalupaan, at si Allah ang Ganap na Nakakamasid ng lahat ninyong ginagawa

Choose other languages: