Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hashr Ayahs #20 Translated in Filipino

كَمَثَلِ الشَّيْطَانِ إِذْ قَالَ لِلْإِنْسَانِ اكْفُرْ فَلَمَّا كَفَرَ قَالَ إِنِّي بَرِيءٌ مِنْكَ إِنِّي أَخَافُ اللَّهَ رَبَّ الْعَالَمِينَ
(Ang kanilang mga kapanalig ay luminlang sa kanila) na katulad ni Satanas, nang siya ay magsulsol sa tao at magsabi: “Huwag kayong manampalataya kay Allah.” Datapuwa’t kung (ang tao) ay hindi manalig kay Allah, si Satanas ay nagsasabi: “wala akong kinalaman sa inyo. Aking pinangangambahan si Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang!”
فَكَانَ عَاقِبَتَهُمَا أَنَّهُمَا فِي النَّارِ خَالِدَيْنِ فِيهَا ۚ وَذَٰلِكَ جَزَاءُ الظَّالِمِينَ
Ang kahihinatnan nila kapwa ay ang kanilang pagkapariwara sa Apoy, dito sila maninirahan magpakailanman. Ito ang kabayaran ng Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, walang pananalig kay Allah at sa Kanyang Kaisahan, tampalasan, atbp)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَلْتَنْظُرْ نَفْسٌ مَا قَدَّمَتْ لِغَدٍ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ
o kayong sumasampalataya! Pangambahan ninyo si Allah (at panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at bayaan ang bawat kaluluwa na hanapin (ang biyaya) na naghihintay para sa kanya sa kinabukasan. Tunay! Pangambahan ninyo si Allah. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakababatid ng lahat ninyong ginagawa
وَلَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ نَسُوا اللَّهَ فَأَنْسَاهُمْ أَنْفُسَهُمْ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ
At huwag kayong tumulad sa kanila na nakalimot kay Allah (alalaong baga, naging palasuway kay Allah); at Kanyang pinapangyari na malimutan nila ang kanilang kaluluwa (ang makalimot sila na gumawa ng mabubuting gawa)! Sila nga ang Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
لَا يَسْتَوِي أَصْحَابُ النَّارِ وَأَصْحَابُ الْجَنَّةِ ۚ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ هُمُ الْفَائِزُونَ
Hindi magkatulad ang mga Kasamahan ng Apoy at mga Kasamahan ng Paraiso. Ang mga Kasamahan ng Paraiso ang magkakamit ng tagumpay at kapanatagan

Choose other languages: