Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #77 Translated in Filipino

يَا أَيُّهَا النَّاسُ ضُرِبَ مَثَلٌ فَاسْتَمِعُوا لَهُ ۚ إِنَّ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ لَنْ يَخْلُقُوا ذُبَابًا وَلَوِ اجْتَمَعُوا لَهُ ۖ وَإِنْ يَسْلُبْهُمُ الذُّبَابُ شَيْئًا لَا يَسْتَنْقِذُوهُ مِنْهُ ۚ ضَعُفَ الطَّالِبُ وَالْمَطْلُوبُ
Osangkatauhan! Isangpaghahambinganghinabi, kaya’t makinig dito (nang mataman): “Katotohanan! Yaong mga tinatawagan ninyo maliban kay Allah ay hindi makakalikha (kahit na) ng isang langaw, kahit na sila ay magsama- sama sa layuning ito. At kung ang langaw ay umagaw ng isang bagay sa kanila, sila ay walang kapangyarihan na mabitawan ito (mula sa) langaw. Kaya’t (kapwa) mahina ang naghahanap at hinahanap
مَا قَدَرُوا اللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ
Hindi nila nahinuha si Allah (ng ayon) sa Kanyang Karapat-dapat na Katatayuan. Katotohanang si Allah ay Lubos na Malakas, ang Ganap na Makapangyarihan
اللَّهُ يَصْطَفِي مِنَ الْمَلَائِكَةِ رُسُلًا وَمِنَ النَّاسِ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ بَصِيرٌ
Si Allah ay humihirang ng Kanyang mga Tagapagbalita mula sa (lipon) ng mga anghel at mula sa mga tao. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakarinig, ang Lubos na Nakakamasid
يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ ۗ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ
Talastas Niya kung ano ang nasa harapan nila, at kung ano ang nasa likuran nila. At kay Allah ay magbabalik ang lahat ng bagay (sa pagpapasya)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا ارْكَعُوا وَاسْجُدُوا وَاعْبُدُوا رَبَّكُمْ وَافْعَلُوا الْخَيْرَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ ۩
o kayong nagsisisampalataya! Magsiyuko kayo at magpatirapa sa inyong sarili, at sambahin ang inyong Panginoon at magsigawa ng kabutihan upang kayo ay magsipagtagumpay

Choose other languages: