Surah Al-Hajj Ayahs #60 Translated in Filipino
الْمُلْكُ يَوْمَئِذٍ لِلَّهِ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ ۚ فَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فِي جَنَّاتِ النَّعِيمِ
Ang Kapamahalaan sa Araw na ito ay tanging kay Allah (Siya na walang katambal). Sila ay hahatulan Niya . Kaya’t sila na mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at nagsigawa ng mga kabutihan ay mapapasa-Halamanan ng Kasiyahan (Paraiso)
وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا فَأُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُهِينٌ
At sila na mga hindi sumasampalataya at nagpasinungaling sa Aming mga Talata (ng Qur’an), sasakanila ang kahiya-hiyang Kaparusahan (ng Impiyerno)
وَالَّذِينَ هَاجَرُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ ثُمَّ قُتِلُوا أَوْ مَاتُوا لَيَرْزُقَنَّهُمُ اللَّهُ رِزْقًا حَسَنًا ۚ وَإِنَّ اللَّهَ لَهُوَ خَيْرُ الرَّازِقِينَ
Sila na mga nagsilikas tungo sa paglilingkod sa Kapakanan ni Allah at pagkatapos nito ay napatay o namatay, katotohanang si Allah ay magkakaloob sa kanila ng mainam na biyaya. At katotohanan, si Allah lamang ang Pinakamainam sa mga nagkakaloob ng pabuya
لَيُدْخِلَنَّهُمْ مُدْخَلًا يَرْضَوْنَهُ ۗ وَإِنَّ اللَّهَ لَعَلِيمٌ حَلِيمٌ
Katotohanang sila ay papapasukin Niya sa daan na tunay namang sila ay masisiyahan, at katotohanang si Allah ay tunay na Pinakamaalam, ang Pinakamapagparaya
ذَٰلِكَ وَمَنْ عَاقَبَ بِمِثْلِ مَا عُوقِبَ بِهِ ثُمَّ بُغِيَ عَلَيْهِ لَيَنْصُرَنَّهُ اللَّهُ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٌ
At ito nga. At sinuman ang gumanti ng katulad ng kanyang sinapit, at pagkatapos ay muling binigyan ng siphayo, si Allah ay katotohanang tutulong sa kanya. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Lagi nang Nagpaparaya
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
