Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #63 Translated in Filipino

لَيُدْخِلَنَّهُمْ مُدْخَلًا يَرْضَوْنَهُ ۗ وَإِنَّ اللَّهَ لَعَلِيمٌ حَلِيمٌ
Katotohanang sila ay papapasukin Niya sa daan na tunay namang sila ay masisiyahan, at katotohanang si Allah ay tunay na Pinakamaalam, ang Pinakamapagparaya
ذَٰلِكَ وَمَنْ عَاقَبَ بِمِثْلِ مَا عُوقِبَ بِهِ ثُمَّ بُغِيَ عَلَيْهِ لَيَنْصُرَنَّهُ اللَّهُ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٌ
At ito nga. At sinuman ang gumanti ng katulad ng kanyang sinapit, at pagkatapos ay muling binigyan ng siphayo, si Allah ay katotohanang tutulong sa kanya. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Lagi nang Nagpaparaya
ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ وَأَنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ بَصِيرٌ
Ito ay dahil si Allah ang naglagom ng gabi sa araw, at Siya rin ang naglagom ng araw sa gabi. At katotohanang si Allah ang Lubos na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid
ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ هُوَ الْبَاطِلُ وَأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْعَلِيُّ الْكَبِيرُ
Ito ay dahil si Allah, - Siya ang Katotohanan (ang tunay na diyos lamang ng lahat ng mga nilalang, na Siya ay walang katambal o karibal sa Kanya), at ang anupamang itinatambal nila (ang mga mapagsamba sa diyus-diyosan) sa Kanya, ito ay Batil (kasinungalingan at kabulaanan). At katotohanang si Allah, - Siya ang Pinakamataas, ang Pinakadakila
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَتُصْبِحُ الْأَرْضُ مُخْضَرَّةً ۗ إِنَّ اللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٌ
Hindi baga ninyo namamasdan na si Allah ang nagpapamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap, at (dahil dito) ang kalupaan ay naging luntian? Katotohanang si Allah ang Pinakamabait at Pinakamatulungin, ang Ganap na Nakakatalos ng lahat ng bagay

Choose other languages: