Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #60 Translated in Filipino

وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا مُبَشِّرًا وَنَذِيرًا
At isinugo ka lamang Namin (o Muhammad) bilang isang tagapagdala ng masayang balita at isang tagapagbabala
قُلْ مَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ إِلَّا مَنْ شَاءَ أَنْ يَتَّخِذَ إِلَىٰ رَبِّهِ سَبِيلًا
Ipagbadya: “wala akong hinihintay na pabuya mula sa inyo sa gawaing ito (kung ano ang aking ipinahayag mula sa aking Panginoon at mga pangangaral, atbp.), maliban sa sinuman na magnais, ay makakatahak sa Landas ng kanyang Panginoon
وَتَوَكَّلْ عَلَى الْحَيِّ الَّذِي لَا يَمُوتُ وَسَبِّحْ بِحَمْدِهِ ۚ وَكَفَىٰ بِهِ بِذُنُوبِ عِبَادِهِ خَبِيرًا
At ilagay mo (o Muhammad) ang iyong pagtitiwala sa Kanya na Laging Buhay at Walang Kamatayan, at luwalhatiin mo ang Kanyang mga Papuri, at Siya ay Sapat na bilang isang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng mga kasalanan ng Kanyang mga alipin
الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۚ الرَّحْمَٰنُ فَاسْأَلْ بِهِ خَبِيرًا
Na lumikha ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito sa anim na Araw. At Siya ay nag-Istawa (naghari o pumaibabaw) sa Luk1ukan (sa paraang naaangkop sa Kanyang Kamahalan). (Siya si Allah), ang Pinakamapagpala! Tanungin mo Siya (si Allah, [O Propeta Muhammad]), tungkol sa Kanyang mga Katangian, sa Kanyang mga nilikha, atbp.) sapagkat Siya ay Al-Khabir (ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng mga bagay)
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ اسْجُدُوا لِلرَّحْمَٰنِ قَالُوا وَمَا الرَّحْمَٰنُ أَنَسْجُدُ لِمَا تَأْمُرُنَا وَزَادَهُمْ نُفُورًا ۩
At kung ito ay ipinagbabadya sa kanila: “Magpatirapa kayo sa Pinakamapagpala (Allah)! Sila ay nagsasabi: “At ano ang Pinakamapagpala? Kami ba ay magpapatirapa sa Kanya na iyong ipinag-uutos sa amin (O Muhammad)?” At ito ay lalo lamang nakapagparagdag sa kanilang pagtanggi

Choose other languages: