Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #55 Translated in Filipino

وَلَوْ شِئْنَا لَبَعَثْنَا فِي كُلِّ قَرْيَةٍ نَذِيرًا
At kung Aming ninais, makakapagpadala Kami ng tagapagbabala sa bawat bayan
فَلَا تُطِعِ الْكَافِرِينَ وَجَاهِدْهُمْ بِهِ جِهَادًا كَبِيرًا
Kaya’t huwag ninyong sundin ang mga hindi sumasampalataya, datapuwa’t magsikhay kayo laban sa kanila (sa pamamagitan ng pangangaral) ng may matimyas na pagsusumakit, dito (sa Qur’an)
وَهُوَ الَّذِي مَرَجَ الْبَحْرَيْنِ هَٰذَا عَذْبٌ فُرَاتٌ وَهَٰذَا مِلْحٌ أُجَاجٌ وَجَعَلَ بَيْنَهُمَا بَرْزَخًا وَحِجْرًا مَحْجُورًا
At Siya ang nagtalaga na maging malaya ang dalawang dagat (dalawang uri ng tubig), ang isa ay naiinom at manamis-namis, at ang isa ay mapait at maalat, at Siya ang nagtakda ng isang sagka at ganap na hadlang (partisyon) sa kanilang pagitan
وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ مِنَ الْمَاءِ بَشَرًا فَجَعَلَهُ نَسَبًا وَصِهْرًا ۗ وَكَانَ رَبُّكَ قَدِيرًا
At Siya ang lumikha ng tao mula sa tubig, at nagtalaga sa kanya ng mga kaanak sa pamamagitan ng dugo, at kaanak sa pamamagitan ng pag-aasawa. At ang inyong Panginoon ay Lagi nang Ganap na Makapangyarihan na makakagawa ng anumang Kanyang naisin
وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُهُمْ وَلَا يَضُرُّهُمْ ۗ وَكَانَ الْكَافِرُ عَلَىٰ رَبِّهِ ظَهِيرًا
At sila (mga hindi sumasampalataya, pagano, atbp.) ay sumasamba sa mga iba maliban pa kay Allah, ang mga ito ay hindi makakapagbigay sa kanila ng kapakinabangan o makakapagpasakit sa kanila, at ang hindi sumasampalataya ay lalagi nang katulong (ni Satanas) laban sa kanyang Panginoon

Choose other languages: