Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #57 Translated in Filipino

وَهُوَ الَّذِي مَرَجَ الْبَحْرَيْنِ هَٰذَا عَذْبٌ فُرَاتٌ وَهَٰذَا مِلْحٌ أُجَاجٌ وَجَعَلَ بَيْنَهُمَا بَرْزَخًا وَحِجْرًا مَحْجُورًا
At Siya ang nagtalaga na maging malaya ang dalawang dagat (dalawang uri ng tubig), ang isa ay naiinom at manamis-namis, at ang isa ay mapait at maalat, at Siya ang nagtakda ng isang sagka at ganap na hadlang (partisyon) sa kanilang pagitan
وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ مِنَ الْمَاءِ بَشَرًا فَجَعَلَهُ نَسَبًا وَصِهْرًا ۗ وَكَانَ رَبُّكَ قَدِيرًا
At Siya ang lumikha ng tao mula sa tubig, at nagtalaga sa kanya ng mga kaanak sa pamamagitan ng dugo, at kaanak sa pamamagitan ng pag-aasawa. At ang inyong Panginoon ay Lagi nang Ganap na Makapangyarihan na makakagawa ng anumang Kanyang naisin
وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُهُمْ وَلَا يَضُرُّهُمْ ۗ وَكَانَ الْكَافِرُ عَلَىٰ رَبِّهِ ظَهِيرًا
At sila (mga hindi sumasampalataya, pagano, atbp.) ay sumasamba sa mga iba maliban pa kay Allah, ang mga ito ay hindi makakapagbigay sa kanila ng kapakinabangan o makakapagpasakit sa kanila, at ang hindi sumasampalataya ay lalagi nang katulong (ni Satanas) laban sa kanyang Panginoon
وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا مُبَشِّرًا وَنَذِيرًا
At isinugo ka lamang Namin (o Muhammad) bilang isang tagapagdala ng masayang balita at isang tagapagbabala
قُلْ مَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ إِلَّا مَنْ شَاءَ أَنْ يَتَّخِذَ إِلَىٰ رَبِّهِ سَبِيلًا
Ipagbadya: “wala akong hinihintay na pabuya mula sa inyo sa gawaing ito (kung ano ang aking ipinahayag mula sa aking Panginoon at mga pangangaral, atbp.), maliban sa sinuman na magnais, ay makakatahak sa Landas ng kanyang Panginoon

Choose other languages: