Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #23 Translated in Filipino

فَقَدْ كَذَّبُوكُمْ بِمَا تَقُولُونَ فَمَا تَسْتَطِيعُونَ صَرْفًا وَلَا نَصْرًا ۚ وَمَنْ يَظْلِمْ مِنْكُمْ نُذِقْهُ عَذَابًا كَبِيرًا
Kaya’t sila (ang mga huwad na diyus-diyosan na kanilang sinamba) ay magbibigay sa inyo (na mga pagano) ng pagpapabulaan sa inyong mga sinasabi (na sila ay iba pang diyos maliban pa kay Allah), sa gayon, kayo ay hindi makakapigil (sa kaparusahan), o makakatagpo kaya ng tulong. At sinuman sa inyo ang nagsigawa ng kamalian (alalaong baga, ang pagsamba sa mga itinatambal kay Allah), Aming hahayaan siya na lasapin ang matinding kaparusahan
وَمَا أَرْسَلْنَا قَبْلَكَ مِنَ الْمُرْسَلِينَ إِلَّا إِنَّهُمْ لَيَأْكُلُونَ الطَّعَامَ وَيَمْشُونَ فِي الْأَسْوَاقِ ۗ وَجَعَلْنَا بَعْضَكُمْ لِبَعْضٍ فِتْنَةً أَتَصْبِرُونَ ۗ وَكَانَ رَبُّكَ بَصِيرًا
At kailanman ay hindi Kami nagsugo maging noong una pa sa iyo (o Muhammad) ng mga Tagapagbalita, maliban sa katotohanan, na sila ay nagsikain ng pagkain at nagsilakad sa mga pamilihan. At ginawa Namin ang iba sa inyo bilang pagsubok sa iba: kayo ba ay mayroong pagtitiyaga? At ang inyong Panginoon ang Lagi nang Ganap na Nakakamasid (ng lahat ng bagay)
وَقَالَ الَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَاءَنَا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْنَا الْمَلَائِكَةُ أَوْ نَرَىٰ رَبَّنَا ۗ لَقَدِ اسْتَكْبَرُوا فِي أَنْفُسِهِمْ وَعَتَوْا عُتُوًّا كَبِيرًا
At sila na hindi umaasa ng Pakikipagtipan sa Amin (alalaong baga, sila na nagtatakwil ng Araw ng Muling Pagkabuhay at ng buhay sa Kabilang Buhay), ay nagsasabi: “Bakit kaya ang mga anghel ay hindi ipinanaog sa amin, o bakit kaya hindi namin namamasdan ang aming Panginoon?” Katotohanang itinuturing nila ang kanilang sarili na lubhang mataas, at mapang-uyam na taglay ang malaking kapalaluan
يَوْمَ يَرَوْنَ الْمَلَائِكَةَ لَا بُشْرَىٰ يَوْمَئِذٍ لِلْمُجْرِمِينَ وَيَقُولُونَ حِجْرًا مَحْجُورًا
Sa Araw na kanilang mamamalas ang mga anghel, - walang masayang balita ang ihahatid doon sa Mujrimun (mga kriminal, pagano, makasalanan, atbp.) sa araw na yaon. At sila (ang mga anghel) ay magsasabi: “Ang lahat ng magagandang balita ay ipinagbabawal sa inyo.” (walang sinuman ang pahihintulutang makapasok sa Paraiso maliban sa kanya na nagsasabi ng: La ilaha ill Allah [wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah], at matimyas na nagsagawa ng [kanyang] mga legal na pag-uutos at tungkulin
وَقَدِمْنَا إِلَىٰ مَا عَمِلُوا مِنْ عَمَلٍ فَجَعَلْنَاهُ هَبَاءً مَنْثُورًا
At itatambad Namin sa kanila (sa mga hindi sumasampalataya, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, atbp.) ang anumang kanilang ginawa, at gagawin Namin ang mga gawaing yaon na tulad ng nagkalat (at) nakalutang na mga bahagi ng alikabok (dumi)

Choose other languages: