Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Fath Ayahs #21 Translated in Filipino

لَيْسَ عَلَى الْأَعْمَىٰ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْأَعْرَجِ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْمَرِيضِ حَرَجٌ ۗ وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ يُدْخِلْهُ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ وَمَنْ يَتَوَلَّ يُعَذِّبْهُ عَذَابًا أَلِيمًا
dito ay hindi susumbatan (o walang kasalanan) ang bulag, gayundin naman ang lumpo, o kaya ang maysakit (kung sila ay hindi nakasama sa labanan), at sinuman ang sumunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), si Allah ay tatanggap sa kanya sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), at kung sinuman ang tumatalikod, si Allah ay magpaparusa sa kanya ng kasakit-sakit na Kaparusahan
لَقَدْ رَضِيَ اللَّهُ عَنِ الْمُؤْمِنِينَ إِذْ يُبَايِعُونَكَ تَحْتَ الشَّجَرَةِ فَعَلِمَ مَا فِي قُلُوبِهِمْ فَأَنْزَلَ السَّكِينَةَ عَلَيْهِمْ وَأَثَابَهُمْ فَتْحًا قَرِيبًا
Katotohanang si Allah ay nalulugod sa mga sumasampalataya nang sila ay nagbigay ng Ba’ia (panunumpa ng katapatan) sa iyo (o Muhammad) sa ilalim ng punongkahoy. Batid Niya ang nasa kanilang puso at Siya ang nagpapanaog ng As-Sakinah (katahimikan at kapanatagan) sa kanila at Kanyang ginantimpalaan sila ng abot-kamay na Tagumpay
وَمَغَانِمَ كَثِيرَةً يَأْخُذُونَهَا ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا
(Bukod pa rito), maraming kapakinabangan mula sa mga labi ng digmaan ang kanilang matatamasa, at si Allah ay Lalagi nang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan
وَعَدَكُمُ اللَّهُ مَغَانِمَ كَثِيرَةً تَأْخُذُونَهَا فَعَجَّلَ لَكُمْ هَٰذِهِ وَكَفَّ أَيْدِيَ النَّاسِ عَنْكُمْ وَلِتَكُونَ آيَةً لِلْمُؤْمِنِينَ وَيَهْدِيَكُمْ صِرَاطًا مُسْتَقِيمًا
Si Allah ay nangako sa inyo ng maraming kapakinabangan mula sa mga labi ng digmaan na inyong matatamasa, at ang mga ito ay daglian Niyang ibinigay sa inyo, at pinigilan Niya ang kamay ng mga tao na malapit sa inyo, upang ito ay maging isang Tanda sa mga Sumasampalataya at upang kayo ay Kanyang magabayan sa isang Matuwid na Landas
وَأُخْرَىٰ لَمْ تَقْدِرُوا عَلَيْهَا قَدْ أَحَاطَ اللَّهُ بِهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرًا
At ang iba pang kapakinabangan (mga tagumpay at mga labi ng digmaan na Kanyang ipinangangako sa inyo) na hindi abot ng inyong lakas at kapangyarihan, katotohanang ito ay iginawad sa inyo ni Allah, at si Allah ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay

Choose other languages: