Surah Al-Baqara Ayahs #94 Translated in Filipino
بِئْسَمَا اشْتَرَوْا بِهِ أَنْفُسَهُمْ أَنْ يَكْفُرُوا بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ بَغْيًا أَنْ يُنَزِّلَ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۖ فَبَاءُوا بِغَضَبٍ عَلَىٰ غَضَبٍ ۚ وَلِلْكَافِرِينَ عَذَابٌ مُهِينٌ
Kaaba-aba ang kabayaran sa pagbibili nila ng kanilang sarili (kaluluwa), na sila ay hindi magsisisampalataya (sa bagay) na ipinahayag ni Allah sa kanila (ang Qur’an), na nagngingitngit ang kanilang kalooban na ipinahayag Niya ang Kanyang Biyaya sa sinumang Kanyang maibigan sa Kanyang mga alipin. Kaya’t pinamayani nila sa kanilang sarili ang sunod-sunod na pagkapoot. At kaaba-aba ang kaparusahan sa mga walang pananampalataya
وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ آمِنُوا بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ قَالُوا نُؤْمِنُ بِمَا أُنْزِلَ عَلَيْنَا وَيَكْفُرُونَ بِمَا وَرَاءَهُ وَهُوَ الْحَقُّ مُصَدِّقًا لِمَا مَعَهُمْ ۗ قُلْ فَلِمَ تَقْتُلُونَ أَنْبِيَاءَ اللَّهِ مِنْ قَبْلُ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
At nang ito ay ipagbadya sa kanila (mga Hudyo): “Panaligan ninyo ang ipinanaog ni Allah,” sila ay nagsasabi, “Kami ay naniniwala sa ipinanaog sa amin”, ngunit sila ay hindi naniniwala sa dumatal (na pahayag) na kasunod nito, bagama’t ito ang katotohanan na nagpapatotoo kung ano ang nasa kanila. Ipagbadya (o Muhammad sa kanila): “Bakit ninyo pinatay ang mga Propeta ni Allah noon pa mang una, kung kayo ay katotohanang sumasampalataya?”
وَلَقَدْ جَاءَكُمْ مُوسَىٰ بِالْبَيِّنَاتِ ثُمَّ اتَّخَذْتُمُ الْعِجْلَ مِنْ بَعْدِهِ وَأَنْتُمْ ظَالِمُونَ
At katotohanang si Moises ay dumatal sa inyo na may maliliwanag na katibayan; datapuwa’t sinamba ninyo ang batang baka pagkaraang siya ay (pansamantalang) lumisan, at kayo ay gumawa ng katampalasanan
وَإِذْ أَخَذْنَا مِيثَاقَكُمْ وَرَفَعْنَا فَوْقَكُمُ الطُّورَ خُذُوا مَا آتَيْنَاكُمْ بِقُوَّةٍ وَاسْمَعُوا ۖ قَالُوا سَمِعْنَا وَعَصَيْنَا وَأُشْرِبُوا فِي قُلُوبِهِمُ الْعِجْلَ بِكُفْرِهِمْ ۚ قُلْ بِئْسَمَا يَأْمُرُكُمْ بِهِ إِيمَانُكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
At alalahanin nang Aming kinuha ang inyong Kasunduan at Aming itinaas nang higit sa inyo ang bundok (ng Sinai) na (nagsasabi): “Tumangan kayo nang mahigpit sa anumang ipinagkaloob Namin sa inyo at makinig (sa Batas).” Sila ay nagsabi: “Kami ay nakarinig at kami ay sumuway.” At ang kanilang puso ay nalagom (ng pagsamba) sa batang baka dahilan sa kawalan nila ng pananampalataya. Ipagbadya: “Tunay na kabuktutan ang ipinakikita ng inyong pananalig, kung kayo nga ay mayroong (anumang) pananalig!”
قُلْ إِنْ كَانَتْ لَكُمُ الدَّارُ الْآخِرَةُ عِنْدَ اللَّهِ خَالِصَةً مِنْ دُونِ النَّاسِ فَتَمَنَّوُا الْمَوْتَ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Ipagbadya sa kanila: “Kung ang huling tahanan ng Kabilang Buhay kay Allah ay katiyakan na tanging sa inyo lamang at hindi sa mga iba ng sangkatauhan, kung gayon, ay inyong hangarin ang inyong kamatayan kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
