Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #79 Translated in Filipino

أَفَتَطْمَعُونَ أَنْ يُؤْمِنُوا لَكُمْ وَقَدْ كَانَ فَرِيقٌ مِنْهُمْ يَسْمَعُونَ كَلَامَ اللَّهِ ثُمَّ يُحَرِّفُونَهُ مِنْ بَعْدِ مَا عَقَلُوهُ وَهُمْ يَعْلَمُونَ
Kayo ba (na mga matatapat na sumasampalataya) ay umaasa na sila ay sasampalataya sa inyong relihiyon, kahima’t ang ilang pangkat sa lipon nila (ang mga Hudyo na may kaalaman) ay palaging nakakarinig ng Salita ni Allah (ang Torah [mga Batas]); at sila ay tandisang nagbabago nito, matapos na ito ay kanilang maunawaan
وَإِذَا لَقُوا الَّذِينَ آمَنُوا قَالُوا آمَنَّا وَإِذَا خَلَا بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ قَالُوا أَتُحَدِّثُونَهُمْ بِمَا فَتَحَ اللَّهُ عَلَيْكُمْ لِيُحَاجُّوكُمْ بِهِ عِنْدَ رَبِّكُمْ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ
Pagmalasin! Kung sila (ang mga Hudyo) ay makadaupang palad ng mga sumasampalataya (ang mga Muslim), sila ay nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya”, datapuwa’t kung sila ay nangagkakatipon sa kubli, sila ay nagsasabi: “Ipangungusap ba ninyo (O Hudyo!) sa kanila (Muslim) kung ano ang ipinahayag ni Allah sa inyo (tungkol sa nababanggit kay Propeta Muhammad sa Torah [mga Batas]), upang sila ay makipagtalo sa inyo tungkol dito sa harapan ng inyong Panginoon?” Kayo baga ay walang pang-unawa?”
أَوَلَا يَعْلَمُونَ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ
Hindi baga nila (ang mga Hudyo) nababatid na talastas ni Allah ang kanilang inililingid at kanilang inilalantad
وَمِنْهُمْ أُمِّيُّونَ لَا يَعْلَمُونَ الْكِتَابَ إِلَّا أَمَانِيَّ وَإِنْ هُمْ إِلَّا يَظُنُّونَ
At mayroong mga tao sa lipon nila (mga Hudyo) ang mga mangmang na hindi nakakaalam sa Aklat datapuwa’t nananangan lamang sa kanilang pagnanasa at gumagawa lamang ng sapantaha
فَوَيْلٌ لِلَّذِينَ يَكْتُبُونَ الْكِتَابَ بِأَيْدِيهِمْ ثُمَّ يَقُولُونَ هَٰذَا مِنْ عِنْدِ اللَّهِ لِيَشْتَرُوا بِهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۖ فَوَيْلٌ لَهُمْ مِمَّا كَتَبَتْ أَيْدِيهِمْ وَوَيْلٌ لَهُمْ مِمَّا يَكْسِبُونَ
Kung gayon, kasawian (sa kaparusahan) sa mga sumusulat ng Aklat sa kanilang sariling mga kamay at nagsasabi: “Ito ay mula kay Allah”, upang bumili sa pamamagitan nito ng isang maliit na halaga! Kasawian (sa kaparusahan) sa kanila, sa anumang sinulat ng kanilang mga kamay at kasawian (sa kaparusahan) sa kanila sa anumang kanilang kinita

Choose other languages: