Surah Al-Baqara Ayahs #270 Translated in Filipino
أَيَوَدُّ أَحَدُكُمْ أَنْ تَكُونَ لَهُ جَنَّةٌ مِنْ نَخِيلٍ وَأَعْنَابٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ لَهُ فِيهَا مِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ وَأَصَابَهُ الْكِبَرُ وَلَهُ ذُرِّيَّةٌ ضُعَفَاءُ فَأَصَابَهَا إِعْصَارٌ فِيهِ نَارٌ فَاحْتَرَقَتْ ۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ تَتَفَكَّرُونَ
Mayroon baga na isa man sa inyo ang maghahangad na magkaroon ng halamanan na may mga palmera (datiles) at bagingan (mga gumagapang na halaman), na may mga ilog na nagsisidaloy sa ilalim, at ang lahat ng uri ng mga bungangkahoy para sa kanya ay naririto; at nang siya ay sumapit na sa katandaan at ang kanyang mga anak ay mahina na (at hindi makapangalaga sa kanilang sarili), na ito ay madaanan ng isang ipu-ipo, at ito ay masilaban? Sa ganito ipinapakita ni Allah na maging maliwanag ang Kanyang Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) sa inyo upang kayo ay magkaroon ng pagdidili-dili
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَنْفِقُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا كَسَبْتُمْ وَمِمَّا أَخْرَجْنَا لَكُمْ مِنَ الْأَرْضِ ۖ وَلَا تَيَمَّمُوا الْخَبِيثَ مِنْهُ تُنْفِقُونَ وَلَسْتُمْ بِآخِذِيهِ إِلَّا أَنْ تُغْمِضُوا فِيهِ ۚ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٌ
o kayong nagsisisampalataya! Magsipagbigay kayo ng mabubuting bagay na inyong kinita (nang malinis), at ng mga bungang halaman (at mga pag-aani) mula sa kalupaan na Aming pinatubo sa inyo, at huwag magnais ng anumang masama, na mula rito kayo ay magbibigay, ngunit maging kayo sa inyong sarili ay hindi tatanggap nito nang hindi nakapikit ang inyong mga mata. At inyong maalaman na si Allah ay Masagana (hindi nangangailangan ng anuman), ang Karapat-dapat sa lahat ng mga papuri
الشَّيْطَانُ يَعِدُكُمُ الْفَقْرَ وَيَأْمُرُكُمْ بِالْفَحْشَاءِ ۖ وَاللَّهُ يَعِدُكُمْ مَغْفِرَةً مِنْهُ وَفَضْلًا ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ
Si Satanas ay nananakot sa inyo ng kahirapan at nag-uudyok sa inyo na gumawa ng kasalanan; datapuwa’t si Allah ay nangangako sa inyo ng pagpapatawad mula sa Kanya at ng kasaganaan; at si Allah ay may Sapat na Panustos sa pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang may Ganap na Kaalaman
يُؤْتِي الْحِكْمَةَ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَمَنْ يُؤْتَ الْحِكْمَةَ فَقَدْ أُوتِيَ خَيْرًا كَثِيرًا ۗ وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّا أُولُو الْأَلْبَابِ
Siya ang nagkakaloob ng karunungan sa sinumang Kanyang maibigan; at siya na pinagkalooban (Niya) ng karunungan ay tunay namang nakatanggap ng kapakinabangan na nag-uumapaw; datapuwa’t walang sinuman ang tatanggap ng paala-ala maliban sa mga tao na may pang-unawa
وَمَا أَنْفَقْتُمْ مِنْ نَفَقَةٍ أَوْ نَذَرْتُمْ مِنْ نَذْرٍ فَإِنَّ اللَّهَ يَعْلَمُهُ ۗ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ أَنْصَارٍ
At anuman ang inyong gugulin sa kawanggawa o anumang pangako ang inyong ginawa, katiyakang si Allah ay nakakabatid nito. At sa Zalimun (mga tampalasan, mapaggawangkamalian,atbp.),silaaywalangmakakatulong
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
