Surah Al-Baqara Ayahs #241 Translated in Filipino
وَإِنْ طَلَّقْتُمُوهُنَّ مِنْ قَبْلِ أَنْ تَمَسُّوهُنَّ وَقَدْ فَرَضْتُمْ لَهُنَّ فَرِيضَةً فَنِصْفُ مَا فَرَضْتُمْ إِلَّا أَنْ يَعْفُونَ أَوْ يَعْفُوَ الَّذِي بِيَدِهِ عُقْدَةُ النِّكَاحِ ۚ وَأَنْ تَعْفُوا أَقْرَبُ لِلتَّقْوَىٰ ۚ وَلَا تَنْسَوُا الْفَضْلَ بَيْنَكُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
At kung sila (ang kababaihan) ay inyong hiniwalayan (dinoborsyo) bago pa sila ay inyong makaulayaw, datapuwa’t pagkaraan na ang Mahr (dote o handog) ay napagpasyahan na, kung gayon, ang kalahati ng Mahr (dote o handog) ay nalalaan sa kanila, maliban na lamang (kung ang kababaihan) ay pumayag na hayaan na lamang (sa lalaki) ito, o kung (ang lalaki) ay pumayag na hayaan na lamang (sa babae) ang lahat ng ito. At ang magparaya at magbigay (sa kanya ng buong Mahr [dote o handog]) ay higit na malapit sa kabanalan. At huwag ninyong kaligtaan ang pagiging mapagparaya sa inyong sarili. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakamasid ng inyong ginagawa
حَافِظُوا عَلَى الصَّلَوَاتِ وَالصَّلَاةِ الْوُسْطَىٰ وَقُومُوا لِلَّهِ قَانِتِينَ
Inyong pangalagaan na mainam ang inyong pagdarasal, tangi na rito ang Panggitnang Panalangin (alalaong baga, ang Asr o panghapong pagdarasal). At kayo ay tumindig sa harapan ni Allah ng may pagtalima
فَإِنْ خِفْتُمْ فَرِجَالًا أَوْ رُكْبَانًا ۖ فَإِذَا أَمِنْتُمْ فَاذْكُرُوا اللَّهَ كَمَا عَلَّمَكُمْ مَا لَمْ تَكُونُوا تَعْلَمُونَ
At kung kayo ay nangangamba (sa isang kaaway), kung gayo’y manatiling nakatindig sa pagdarasal o habang nakasakay (halimbawa ay sa kabayo). At kung kayo ay nasa ligtas (ng pook), inyong ialay ang pagdarasal sa paraan na Kanyang itinuro sa inyo na hindi ninyo nababatid (noon)
وَالَّذِينَ يُتَوَفَّوْنَ مِنْكُمْ وَيَذَرُونَ أَزْوَاجًا وَصِيَّةً لِأَزْوَاجِهِمْ مَتَاعًا إِلَى الْحَوْلِ غَيْرَ إِخْرَاجٍ ۚ فَإِنْ خَرَجْنَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ فِي مَا فَعَلْنَ فِي أَنْفُسِهِنَّ مِنْ مَعْرُوفٍ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
At sa inyo na pumanaw at nakaiwan ng mga asawa, ay nararapat na magbigay sa kanilang asawa ng isang taong panustos (ikabubuhay) at tirahan na walang pagtataboy sa kanila, datapuwa’t kung nais nila (mga asawang babae) na umalis, ito ay hindi kasalanan sa inyo sa anumang ginawa nila sa kanilang sarili, kung sa pamamaraan na ito ay kapita-pitagan (alalaong baga, muling nag-asawa). At si Allah ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lubos na Maalam. (Ang kautusan sa talatang ito ay sinusugan [o pinawalang bisa] sa pamamagitan ng talata sa Surah
وَلِلْمُطَلَّقَاتِ مَتَاعٌ بِالْمَعْرُوفِ ۖ حَقًّا عَلَى الْمُتَّقِينَ
At sa mga nahiwalayan (nadiborsyong) kababaihan, (sa kanila) ang panustos na kabuhayan (ay marapat na igawad) sa katamtamang (sukat). Ito ay isang katungkulan ng Al-Muttaqun (mga may pangangamba kay Allah, may kabanalan, atbp)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
