Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #193 Translated in Filipino

يَسْأَلُونَكَ عَنِ الْأَهِلَّةِ ۖ قُلْ هِيَ مَوَاقِيتُ لِلنَّاسِ وَالْحَجِّ ۗ وَلَيْسَ الْبِرُّ بِأَنْ تَأْتُوا الْبُيُوتَ مِنْ ظُهُورِهَا وَلَٰكِنَّ الْبِرَّ مَنِ اتَّقَىٰ ۗ وَأْتُوا الْبُيُوتَ مِنْ أَبْوَابِهَا ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ
Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) tungkol sa mga bagong buwan. Ipagbadya: “Ito ay mga tunay na tanda upang tandaan (o bilangin) ang mga natatakdaang panahon sa buhay ng sangkatauhan at para sa pilgrimahe (pagdalaw sa Banal na Bahay Dalanginan sa Makkah). Hindi isang Al-Birr (kabutihan, katuwiran, kabanalan, atbp.) na magsipasok kayo sa likuran ng bahay datapuwa’t isang Al-Birr (kabutihan, atbp.) na mangamba kayo kay Allah. Kaya’t magsipasok kayo sa mga tamang pinto at inyong pangambahan si Allah upang kayo ay magsipagtagumpay
وَقَاتِلُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ الَّذِينَ يُقَاتِلُونَكُمْ وَلَا تَعْتَدُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْمُعْتَدِينَ
At makipaglaban kayo tungo sa Kapakanan ni Allah sa kanila na nakikipaglaban sa inyo, datapuwa’t huwag ninyong labagin ang hangganan, sapagkat si Allah ay hindi nagmamahal sa mga nagmamalabis (sa pagsuway). [Ang talatang ito ay siyang unang ipinahayag tungkol sa Jihad (pakikidigma dahil sa Islam), ngunit ito ay kinatigan ng isa pang talata sa Surah
وَاقْتُلُوهُمْ حَيْثُ ثَقِفْتُمُوهُمْ وَأَخْرِجُوهُمْ مِنْ حَيْثُ أَخْرَجُوكُمْ ۚ وَالْفِتْنَةُ أَشَدُّ مِنَ الْقَتْلِ ۚ وَلَا تُقَاتِلُوهُمْ عِنْدَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ حَتَّىٰ يُقَاتِلُوكُمْ فِيهِ ۖ فَإِنْ قَاتَلُوكُمْ فَاقْتُلُوهُمْ ۗ كَذَٰلِكَ جَزَاءُ الْكَافِرِينَ
At inyong patayin sila, saan man sila ay inyong matagpuan at inyong itaboy sila kung saan kayo ay kanilang itinaboy; sapagkat ang kawalan ng pananampalataya ay higit na masama sa pagpatay. At sila ay huwag ninyong labanan sa Banal na Bahay dalanginan (Masjid Al-Haram), maliban na sila (ay manguna) na kayo ay labanan. Datapuwa’t kung kayo ay lusubin nila, sila ay inyong patayin. Ito ang kabayaran ng walang pananampalataya
فَإِنِ انْتَهَوْا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Datapuwa’t kung sila ay tumigil, si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَقَاتِلُوهُمْ حَتَّىٰ لَا تَكُونَ فِتْنَةٌ وَيَكُونَ الدِّينُ لِلَّهِ ۖ فَإِنِ انْتَهَوْا فَلَا عُدْوَانَ إِلَّا عَلَى الظَّالِمِينَ
At sila ay inyong labanan hanggang sa mapalis ang Fitnah (kawalan ng pananalig at pagsamba sa iba maliban pa kay Allah) at (ang lahat at bawat uri) ng pagsamba ay matuon lamang kay Allah. Datapuwa’t kung sila ay maglubay, huwag hayaang magkaroon ng paglalaban at paglabag maliban sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian)

Choose other languages: