Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #76 Translated in Filipino

فَأَنْجَيْنَاهُ وَالَّذِينَ مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِنَّا وَقَطَعْنَا دَابِرَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۖ وَمَا كَانُوا مُؤْمِنِينَ
Kaya’t Aming iniligtas siya at ang kanyang mga kasama sa pamamagitan ng Habag mula sa Amin at Aming pinutol ang mga ugat ng mga nagpabulaan saAmingAyat (mga katibayan, aral, tanda, kapahayagan, atbp.), at sila ay hindi nananampalataya
وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَالِحًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ قَدْ جَاءَتْكُمْ بَيِّنَةٌ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ هَٰذِهِ نَاقَةُ اللَّهِ لَكُمْ آيَةً ۖ فَذَرُوهَا تَأْكُلْ فِي أَرْضِ اللَّهِ ۖ وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوءٍ فَيَأْخُذَكُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
At (sa pamayanan) ni Thamud (ay Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Salih. Siya ay nagbadya: “o aking payamanan! Sambahin ninyo si Allah, kayo ay wala ng iba pang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya, (La ilaha ill Allah: Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Katotohanang may dumatal sa inyo na isang maliwanag na Tanda (ang himala nang paglabas ng isang babaeng kamelyo sa gitna ng isang malaking bato) mula sa inyong Panginoon. Ang babaeng kamelyong ito ni Allah ay isang Tanda sa inyo; kaya’t hayaan ninyo na manginain siya sa kalupaan ni Allah at huwag ninyong hipuin siya ng may pananakit, (kung hindi) baka ang isang kasakit-sakit na kaparusahan ay sumakmal sa inyo.”
وَاذْكُرُوا إِذْ جَعَلَكُمْ خُلَفَاءَ مِنْ بَعْدِ عَادٍ وَبَوَّأَكُمْ فِي الْأَرْضِ تَتَّخِذُونَ مِنْ سُهُولِهَا قُصُورًا وَتَنْحِتُونَ الْجِبَالَ بُيُوتًا ۖ فَاذْكُرُوا آلَاءَ اللَّهِ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ
“At gunitain nang kayo ay ginawa Niyang tagapagmana makaraan (ang pamayanan) ni A’ad, at Kanyang binigyan kayo ng mga pananahanan sa kalupaan, kayo ay nagtatayo sa inyong sarili ng mga palasyo sa kapatagan at umuukit ng inyong tahanan sa kabundukan. Kaya’t alalahanin ang mga biyaya (na ipinagkaloob sa inyo) mula kay Allah, at huwag kayong magsipaglibot sa kalupaan sa paggawa ng kabuktutan.”
قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لِلَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِمَنْ آمَنَ مِنْهُمْ أَتَعْلَمُونَ أَنَّ صَالِحًا مُرْسَلٌ مِنْ رَبِّهِ ۚ قَالُوا إِنَّا بِمَا أُرْسِلَ بِهِ مُؤْمِنُونَ
Ang mga pinuno ng mga palalo sa lipon ng kanyang pamayanan ay nagsabi sa kanila na mga ibinibilang na mahihina, - sa kanila na nagsisampalataya: “Nalalaman ba ninyo na si Salih ang siyang isinugo ng kanyang Panginoon.” Sila ay nagsabi: “Katotohanang kami ay nananalig sa bagay na ipinadala sa kanya.”
قَالَ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا بِالَّذِي آمَنْتُمْ بِهِ كَافِرُونَ
Ang mga palalo ay nagsabi: “Katotohanang kami ay hindi sumasampalataya sa inyong pinapanaligan.”

Choose other languages: