Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #79 Translated in Filipino

قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لِلَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِمَنْ آمَنَ مِنْهُمْ أَتَعْلَمُونَ أَنَّ صَالِحًا مُرْسَلٌ مِنْ رَبِّهِ ۚ قَالُوا إِنَّا بِمَا أُرْسِلَ بِهِ مُؤْمِنُونَ
Ang mga pinuno ng mga palalo sa lipon ng kanyang pamayanan ay nagsabi sa kanila na mga ibinibilang na mahihina, - sa kanila na nagsisampalataya: “Nalalaman ba ninyo na si Salih ang siyang isinugo ng kanyang Panginoon.” Sila ay nagsabi: “Katotohanang kami ay nananalig sa bagay na ipinadala sa kanya.”
قَالَ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا بِالَّذِي آمَنْتُمْ بِهِ كَافِرُونَ
Ang mga palalo ay nagsabi: “Katotohanang kami ay hindi sumasampalataya sa inyong pinapanaligan.”
فَعَقَرُوا النَّاقَةَ وَعَتَوْا عَنْ أَمْرِ رَبِّهِمْ وَقَالُوا يَا صَالِحُ ائْتِنَا بِمَا تَعِدُنَا إِنْ كُنْتَ مِنَ الْمُرْسَلِينَ
Kaya’t kanilang binigti ang babaeng kamelyo at walang pakundangang nilabag nila ang Pag-uutos ng kanilang Panginoon, at nagsabi: “o Salih! dalhin mo sa amin ang iyong mga banta kung ikaw ay tunay na isa sa mga Tagapagbalita (ni Allah).”
فَأَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دَارِهِمْ جَاثِمِينَ
Kaya’t ang lindol ay lumagom sa kanila, at sila ay napahandusay na walang buhay, na nakalupasay sa kanilang tahanan
فَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَا قَوْمِ لَقَدْ أَبْلَغْتُكُمْ رِسَالَةَ رَبِّي وَنَصَحْتُ لَكُمْ وَلَٰكِنْ لَا تُحِبُّونَ النَّاصِحِينَ
At siya (Salih) ay lumingon sa kanila at nagsabi: “o aking pamayanan! Katotohanang aking ipinarating sa inyo ang mensahe ng aking Panginoon at kayo ay binigyan ko ng isang mabuting payo datapuwa’t hindi ninyo naiibigan ang mabubuting tagapayo.”

Choose other languages: