Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #70 Translated in Filipino

قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَوْمِهِ إِنَّا لَنَرَاكَ فِي سَفَاهَةٍ وَإِنَّا لَنَظُنُّكَ مِنَ الْكَاذِبِينَ
Ang mga pinuno ng mga hindi sumasampalataya sa lipon ng kanyang mga tao (pamayanan) ay nagsabi: “Katotohanang namamalas ka namin sa kalokohan, at katotohanang kami ay nag-iisip na ikaw ay isa sa mga sinungaling.”
قَالَ يَا قَوْمِ لَيْسَ بِي سَفَاهَةٌ وَلَٰكِنِّي رَسُولٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ
(Si Hud) ay nagsabi: “O aking pamayanan! Walang kalokohan sa akin, datapuwa’t ako ay isang Tagapagbalita mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang
أُبَلِّغُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَأَنَا لَكُمْ نَاصِحٌ أَمِينٌ
Ipinararating ko sa inyo ang mga mensahe ng aking Panginoon, at ako ay isang mapagkakatiwalaang tagapayo (o kapanalig) sa inyo
أَوَعَجِبْتُمْ أَنْ جَاءَكُمْ ذِكْرٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍ مِنْكُمْ لِيُنْذِرَكُمْ ۚ وَاذْكُرُوا إِذْ جَعَلَكُمْ خُلَفَاءَ مِنْ بَعْدِ قَوْمِ نُوحٍ وَزَادَكُمْ فِي الْخَلْقِ بَسْطَةً ۖ فَاذْكُرُوا آلَاءَ اللَّهِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ
Kayo baga ay namamangha na mayroong dumatal sa inyo na isang Paala-ala (at isang payo) mula sa inyong Panginoon sa pamamagitan ng isang tao sa inyong lipon upang kayo ay kanyang mabigyan ng babala? At alalahanin na kayo ay ginawa Niyang mga tagapagmana, makaraan ang mga tao (pamayanan) ni Noe, at kayo ay Kanyang pinarami na matataas (sa tindig). Kaya’t inyong alalahanin ang mga biyaya (na ipinagkaloob sa inyo) mula kay Allah upang kayo ay maging matagumpay.”
قَالُوا أَجِئْتَنَا لِنَعْبُدَ اللَّهَ وَحْدَهُ وَنَذَرَ مَا كَانَ يَعْبُدُ آبَاؤُنَا ۖ فَأْتِنَا بِمَا تَعِدُنَا إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ
Sila ay nagsabi: “Ikaw ay pumarito sa amin upang kami ay marapat na sumamba lamang kay Allah at iwanan ang sinasamba na kinagisnan ng aming mga ninuno. Kaya’t dalhin mo sa amin ang bagay na iyong ipinananakot sa amin kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan.”

Choose other languages: