Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #51 Translated in Filipino

وَإِذَا صُرِفَتْ أَبْصَارُهُمْ تِلْقَاءَ أَصْحَابِ النَّارِ قَالُوا رَبَّنَا لَا تَجْعَلْنَا مَعَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ
At kung ang kanilang mga mata ay napapalingon sa gawi ng mga nagsisipanirahan sa Apoy, sila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Kami ay huwag Ninyong ilagay sa lipon ng mga tao na Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian).”
وَنَادَىٰ أَصْحَابُ الْأَعْرَافِ رِجَالًا يَعْرِفُونَهُمْ بِسِيمَاهُمْ قَالُوا مَا أَغْنَىٰ عَنْكُمْ جَمْعُكُمْ وَمَا كُنْتُمْ تَسْتَكْبِرُونَ
At ang mga tao sa Al-Araf (dingding) ay tatawag sa mga tao na kanilang makikilala sa pamamagitan ng kanilang mga tanda, na nagsasabi: “walang naging anumang kapakinabangan sa inyo ang inyong malaking bilang (at bunton ng mga kayamanan), at ang inyong kapalaluan laban sa Pananalig?”
أَهَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ أَقْسَمْتُمْ لَا يَنَالُهُمُ اللَّهُ بِرَحْمَةٍ ۚ ادْخُلُوا الْجَنَّةَ لَا خَوْفٌ عَلَيْكُمْ وَلَا أَنْتُمْ تَحْزَنُونَ
Pagmalasin! Hindi baga sila ang mga tao na inyong sinumpa noon (sapagkat sila ay nagsasabi) na si Allah ay hindi kailanman magpapakita sa kanila ng habag. (Pagmasdan! Ito ang ipinagbadya sa kanila): “Magsipasok kayo sa Paraiso, walang pangangamba ang sasainyo, gayundin, kayo ay hindi malulumbay.”
وَنَادَىٰ أَصْحَابُ النَّارِ أَصْحَابَ الْجَنَّةِ أَنْ أَفِيضُوا عَلَيْنَا مِنَ الْمَاءِ أَوْ مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ ۚ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ حَرَّمَهُمَا عَلَى الْكَافِرِينَ
At ang mga nagsisipanirahan sa Apoy ay tatawag sa mga nagsisipanirahan sa Paraiso: “Buhusan ninyo kami ng kaunting tubig o anumang (bagay) na ipinagkaloob sa inyo ni Allah.” Sila ay magsasabi: “Ang (tubig at anumang ikabubuhay) ay kapwa ipinagbawal ni Allah sa mga hindi sumasampalataya
الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَهُمْ لَهْوًا وَلَعِبًا وَغَرَّتْهُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۚ فَالْيَوْمَ نَنْسَاهُمْ كَمَا نَسُوا لِقَاءَ يَوْمِهِمْ هَٰذَا وَمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَجْحَدُونَ
Na nagturing sa kanilang pananampalataya bilang isang paglilibang at paglalaro, at ang buhay ng mundong ito ay luminlang sa kanila.” Kaya’t sa Araw na ito, sila ay Aming kalilimutan, kung paano rin naman nila kinalimutan ang pakikipagtipan ng kanilang Araw, sapagkat sila ay nagtakwil sa Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, tanda, aral, atbp)

Choose other languages: