Surah Al-Araf Ayahs #50 Translated in Filipino
وَبَيْنَهُمَا حِجَابٌ ۚ وَعَلَى الْأَعْرَافِ رِجَالٌ يَعْرِفُونَ كُلًّا بِسِيمَاهُمْ ۚ وَنَادَوْا أَصْحَابَ الْجَنَّةِ أَنْ سَلَامٌ عَلَيْكُمْ ۚ لَمْ يَدْخُلُوهَا وَهُمْ يَطْمَعُونَ
At sa pagitan nila ay may isang sagka (na nagbubukod sa kanila) at sa Al-Araf (isang dingding na nasa matataas na lugar), ay may mga tao (na ang mabubuti at masasamang gawa ay magkapantay sa timbangan), na makakakilala sa lahat (ng mga tao ng Paraiso at Impiyerno), sa pamamagitan ng kanilang mga tanda (ang mga nagsisipanahan sa Paraiso, ang tanda ay sa pamamagitan ng kanilang mapuputing mukha at ang nagsisipanahan sa Impiyerno ay sa pamamagitan ng kanilang maiitim na mukha), sila ay tatawag sa mga nagsisipanirahan sa Paraiso, “Sumainyo ang kapayapaan,” at sa sandaling ito, sila (ang mga tao sa Al-Araf), ay hindi pa makakapasok dito, datapuwa’t sila ay umaasa na makakapasok (dito) ng may katiyakan
وَإِذَا صُرِفَتْ أَبْصَارُهُمْ تِلْقَاءَ أَصْحَابِ النَّارِ قَالُوا رَبَّنَا لَا تَجْعَلْنَا مَعَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ
At kung ang kanilang mga mata ay napapalingon sa gawi ng mga nagsisipanirahan sa Apoy, sila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Kami ay huwag Ninyong ilagay sa lipon ng mga tao na Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian).”
وَنَادَىٰ أَصْحَابُ الْأَعْرَافِ رِجَالًا يَعْرِفُونَهُمْ بِسِيمَاهُمْ قَالُوا مَا أَغْنَىٰ عَنْكُمْ جَمْعُكُمْ وَمَا كُنْتُمْ تَسْتَكْبِرُونَ
At ang mga tao sa Al-Araf (dingding) ay tatawag sa mga tao na kanilang makikilala sa pamamagitan ng kanilang mga tanda, na nagsasabi: “walang naging anumang kapakinabangan sa inyo ang inyong malaking bilang (at bunton ng mga kayamanan), at ang inyong kapalaluan laban sa Pananalig?”
أَهَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ أَقْسَمْتُمْ لَا يَنَالُهُمُ اللَّهُ بِرَحْمَةٍ ۚ ادْخُلُوا الْجَنَّةَ لَا خَوْفٌ عَلَيْكُمْ وَلَا أَنْتُمْ تَحْزَنُونَ
Pagmalasin! Hindi baga sila ang mga tao na inyong sinumpa noon (sapagkat sila ay nagsasabi) na si Allah ay hindi kailanman magpapakita sa kanila ng habag. (Pagmasdan! Ito ang ipinagbadya sa kanila): “Magsipasok kayo sa Paraiso, walang pangangamba ang sasainyo, gayundin, kayo ay hindi malulumbay.”
وَنَادَىٰ أَصْحَابُ النَّارِ أَصْحَابَ الْجَنَّةِ أَنْ أَفِيضُوا عَلَيْنَا مِنَ الْمَاءِ أَوْ مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ ۚ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ حَرَّمَهُمَا عَلَى الْكَافِرِينَ
At ang mga nagsisipanirahan sa Apoy ay tatawag sa mga nagsisipanirahan sa Paraiso: “Buhusan ninyo kami ng kaunting tubig o anumang (bagay) na ipinagkaloob sa inyo ni Allah.” Sila ay magsasabi: “Ang (tubig at anumang ikabubuhay) ay kapwa ipinagbawal ni Allah sa mga hindi sumasampalataya
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
