Surah Al-Araf Ayahs #44 Translated in Filipino
إِنَّ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُوا عَنْهَا لَا تُفَتَّحُ لَهُمْ أَبْوَابُ السَّمَاءِ وَلَا يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ حَتَّىٰ يَلِجَ الْجَمَلُ فِي سَمِّ الْخِيَاطِ ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُجْرِمِينَ
Katotohanan, ang mga nagpapasinungaling sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, tanda, aral, atbp.), at nagtuturing dito ng may kapalaluan, sa kanila, ang mga tarangkahan ng langit ay hindi bubuksan, at sila ay hindi makakapasok sa Paraiso hanggang ang kamelyo (ay mangyari) na maglagos sa butas ng karayom (na lubhang imposible). Sa ganito Namin binabayaran ang Mujrimun (mga kriminal, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, atbp)
لَهُمْ مِنْ جَهَنَّمَ مِهَادٌ وَمِنْ فَوْقِهِمْ غَوَاشٍ ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الظَّالِمِينَ
Sasakanila ang kama (papag) ng Impiyerno (Apoy), at sa ibabaw nila ay mga pangbalabal (ng Apoy ng Impiyerno). Sa ganito Namin binabayaran ang Zalimun (mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, tampalasan, buhong, atbp)
وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَا نُكَلِّفُ نَفْسًا إِلَّا وُسْعَهَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Datapuwa’t ang mga sumampalataya (sa Kaisahan ni Allah, sa Islam), at nagsigawa ng kabutihan, hindi Namin binibigyan ng pabigat ang sinumang tao na labis sa kanyang makakaya, sila ang maninirahan sa Paraiso. Mananatili sila rito magpakailanman
وَنَزَعْنَا مَا فِي صُدُورِهِمْ مِنْ غِلٍّ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ ۖ وَقَالُوا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي هَدَانَا لِهَٰذَا وَمَا كُنَّا لِنَهْتَدِيَ لَوْلَا أَنْ هَدَانَا اللَّهُ ۖ لَقَدْ جَاءَتْ رُسُلُ رَبِّنَا بِالْحَقِّ ۖ وَنُودُوا أَنْ تِلْكُمُ الْجَنَّةُ أُورِثْتُمُوهَا بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
At Aming papawiin sa kanilang dibdib ang anumang (magkapanabay na) pagkamuhi (o matinding hinanakit) o damdaming nasaktan (na kanilang naranasan, sa lahat man, sa buhay sa mundong ito); ng mga ilog na dumadaloy sa ilalim nila, at sila ay magsasabi: “Ang lahat ng mga papuri at pasasalamat ay kay Allah na namatnubay sa atin dito, kailanman ay hindi (sana) tayo makakatagpo ng patnubay kung hindi lamang tayo pinatnubayan ni Allah! Tunay nga, ang mga Tagapagbalita ng ating Panginoon ay dumatal na may Katotohanan.” At ipagbabadya sa kanila: “Ito ang Paraiso na inyong namana dahilan sa inyong ginawa.”
وَنَادَىٰ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ أَصْحَابَ النَّارِ أَنْ قَدْ وَجَدْنَا مَا وَعَدَنَا رَبُّنَا حَقًّا فَهَلْ وَجَدْتُمْ مَا وَعَدَ رَبُّكُمْ حَقًّا ۖ قَالُوا نَعَمْ ۚ فَأَذَّنَ مُؤَذِّنٌ بَيْنَهُمْ أَنْ لَعْنَةُ اللَّهِ عَلَى الظَّالِمِينَ
At ang mga nagsisipanirahan sa Paraiso ay tatawag sa mga nagsisipanirahan sa Apoy (na nagsasabi): “Tunay naming natagpuan na totoo ang ipinangako ng aming Panginoon sa amin, natagpuan din ba ninyo na totoo ang ipinangako ng inyong Panginoon (ang Kanyang babala)?” Sila ay magsasabi: “oo”, at isang tagapagsalita ang magpapahayag sa pagitan nila: “Ang sumpa ni Allah ay nasa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, atbp)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
