Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #35 Translated in Filipino

يَا بَنِي آدَمَ خُذُوا زِينَتَكُمْ عِنْدَ كُلِّ مَسْجِدٍ وَكُلُوا وَاشْرَبُوا وَلَا تُسْرِفُوا ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُسْرِفِينَ
o Angkan ni Adan! Maglagay kayo ng palamuti (sa pamamagitan ng pagsusuot ng malinis na damit), habang nagdarasal at lumalakad nang palibot (ang Tawaf) sa Ka’ba, at (kayo) ay kumain at uminom, datapuwa’t huwag mag- aksaya sa pagiging maluho, katiyakang Siya (Allah) ay hindi nalulugod sa mga maluluho
قُلْ مَنْ حَرَّمَ زِينَةَ اللَّهِ الَّتِي أَخْرَجَ لِعِبَادِهِ وَالطَّيِّبَاتِ مِنَ الرِّزْقِ ۚ قُلْ هِيَ لِلَّذِينَ آمَنُوا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا خَالِصَةً يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Sino ang nagbawal sa magagandang (kaloob) na iginawad ni Allah para sa Kanyang mga alipin, at ng At-Tayyibat (lahat ng uri ng Halal [mga pinahihintulutang bagay at mga pagkain]) na dalisay at malinis?” Ipagbadya: “Ang mga ito, sa buhay sa mundong ito, ay para sa mga sumasampalataya, (at) tanging-tangi para sa kanila (na sumasampalataya) sa Araw ng Muling Pagkabuhay (alalaong baga, ang mga hindi sumasampalataya ay hindi makakahati sa kanila).” Sa ganito Namin ipinapaliwanag ang Ayat (mga Batas Islamiko) sa masusing paraan sa mga tao na may kaalaman
قُلْ إِنَّمَا حَرَّمَ رَبِّيَ الْفَوَاحِشَ مَا ظَهَرَ مِنْهَا وَمَا بَطَنَ وَالْإِثْمَ وَالْبَغْيَ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَأَنْ تُشْرِكُوا بِاللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ سُلْطَانًا وَأَنْ تَقُولُوا عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ
Ipagbadya (O Muhammad): “(Datapuwa’t) ang mga bagay na ipinagbawal ng aking Panginoon ay mga Al- Fawahish (malalaking kasamaan, lahat ng uri ng bawal na pakikipagtalik, atbp.) kahima’t ito ay ginawa nang lantad o lingid, (ang lahat ng uri) ng mga kasalanan, ang walang katarungang pang-aapi, ang pag-aakibat ng mga katambal (sa pagsamba) kay Allah na rito ay wala Siyang ibinigay na kapamahalaan, at pagsasabi ng mga bagay hinggil kay Allah na rito ay wala silang kaalaman
وَلِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٌ ۖ فَإِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ لَا يَسْتَأْخِرُونَ سَاعَةً ۖ وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ
At ang bawat bansa (pamayanan) ay may kanyang natataningang panahon; kung ang kanyang takda ay sumapit na, kahit na sa isang oras (o isang sandali), sila ay hindi makakaantala (nito) at gayundin, kahit na sa isang oras (o isang sandali), sila ay hindi makapagpapauna (nito)
يَا بَنِي آدَمَ إِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ رُسُلٌ مِنْكُمْ يَقُصُّونَ عَلَيْكُمْ آيَاتِي ۙ فَمَنِ اتَّقَىٰ وَأَصْلَحَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
O Angkan ni Adan! Kung may mga Tagapagbalita na dumatal mula sa lipon ninyo, na dumadalit sa inyo ng Aking mga Talata, kung gayon, sinuman ang maging matimtiman at maging matuwid, sa kanila ay walang pangangamba, gayundin sila ay hindi malulumbay

Choose other languages: