Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #22 Translated in Filipino

قَالَ اخْرُجْ مِنْهَا مَذْءُومًا مَدْحُورًا ۖ لَمَنْ تَبِعَكَ مِنْهُمْ لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنْكُمْ أَجْمَعِينَ
(Si Allah) ay nagwika (kay Iblis): “Lumayas ka rito (sa Paraiso), na walang kahihiyan at pinatalsik. Kung sinuman sa kanila (sangkatauhan) ang sumunod sa iyo, kung gayon, katotohanang Aking pupunuin ang Impiyerno (sa pamamagitan) ninyong lahat.”
وَيَا آدَمُ اسْكُنْ أَنْتَ وَزَوْجُكَ الْجَنَّةَ فَكُلَا مِنْ حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَٰذِهِ الشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ الظَّالِمِينَ
“At, oAdan! Manirahankaatangiyongasawasa Paraiso, at kumain kayo rito kung (ano) ang kapwa ninyo maibigan, datapuwa’t huwag ninyong lapitan ang punong ito, kung hindi, kayo ay kapwa mapapabilang sa Zalimun (mga tao na walang katarungan at mapaggawa ng kamalian, atbp.).”
فَوَسْوَسَ لَهُمَا الشَّيْطَانُ لِيُبْدِيَ لَهُمَا مَا وُورِيَ عَنْهُمَا مِنْ سَوْآتِهِمَا وَقَالَ مَا نَهَاكُمَا رَبُّكُمَا عَنْ هَٰذِهِ الشَّجَرَةِ إِلَّا أَنْ تَكُونَا مَلَكَيْنِ أَوْ تَكُونَا مِنَ الْخَالِدِينَ
At si Satanas ay bumulong ng mga mungkahi sa kanilang dalawa upang malantad sa kanila kung ano ang sa kanila ay nakalingid na maselang bahagi (ng kanilang katawan noon); siya ay nagsabi: “Ang inyong Panginoon ay hindi nagbawal sa inyo sa punongkahoy na ito, maliban (sa kadahilanang) baka kayo ay maging mga anghel o kayo ay maging walang kamatayan.”
وَقَاسَمَهُمَا إِنِّي لَكُمَا لَمِنَ النَّاصِحِينَ
At siya (Satanas) ay sumumpa (sa Ngalan) ni Allah sa kanilang dalawa (na nagsasabi): “Katotohanang ako ay isa sa matapat na bumabati sa inyong dalawa.”
فَدَلَّاهُمَا بِغُرُورٍ ۚ فَلَمَّا ذَاقَا الشَّجَرَةَ بَدَتْ لَهُمَا سَوْآتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفَانِ عَلَيْهِمَا مِنْ وَرَقِ الْجَنَّةِ ۖ وَنَادَاهُمَا رَبُّهُمَا أَلَمْ أَنْهَكُمَا عَنْ تِلْكُمَا الشَّجَرَةِ وَأَقُلْ لَكُمَا إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمَا عَدُوٌّ مُبِينٌ
Kaya’t kanyang iniligaw sila ng may panlilinlang. At nang kanilang matikman ang (bunga) ng punongkahoy, yaong nakalingid sa kanila na kanilang kahihiyan (maseselang bahagi ng katawan) ay naging lantad sa kanila, at sila ay nagsimulang magtagni-tagni ng mga dahon ng Paraiso sa kanilang sarili (upang maitago nila ang kanilang kahihiyan). At ang kanilang Panginoon ay tumawag sa kanila (na nagsasabi): “Hindi baga ipinagbawal Ko sa inyo ang punongkahoy na yaon at nangusap sa inyo na: “Katotohanang si Satanas ay isang lantad na kaaway sa inyo?”

Choose other languages: