Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #178 Translated in Filipino

وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ وَلَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ
Sa ganito Namin ipinapaliwanag ang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) sa masusing paraan, upang sila ay magbalik (sa Katotohanan)
وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ الَّذِي آتَيْنَاهُ آيَاتِنَا فَانْسَلَخَ مِنْهَا فَأَتْبَعَهُ الشَّيْطَانُ فَكَانَ مِنَ الْغَاوِينَ
At dalitin mo (o Muhammad) sa kanila ang kasaysayan niya na Aming ginawaran ng Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), datapuwa’t kanyang itinapon ito nang malayo, kaya’t sinundan siya ni Satanas, at siya ay napasama sa mga naligaw ng landas
وَلَوْ شِئْنَا لَرَفَعْنَاهُ بِهَا وَلَٰكِنَّهُ أَخْلَدَ إِلَى الْأَرْضِ وَاتَّبَعَ هَوَاهُ ۚ فَمَثَلُهُ كَمَثَلِ الْكَلْبِ إِنْ تَحْمِلْ عَلَيْهِ يَلْهَثْ أَوْ تَتْرُكْهُ يَلْهَثْ ۚ ذَٰلِكَ مَثَلُ الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۚ فَاقْصُصِ الْقَصَصَ لَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ
At kung Amin lamang ninais, katiyakang Aming itinaas siya rito (sa katuwiran), datapuwa’t kumapit siya sa kalupaan at sumunod sa kanyang palalong pagnanasa. Kaya’t ang kanyang larawan ay larawan ng isang aso; kung siya ay iyong itaboy, kanyang inilalabas ang kanyang dila, o kung siya ay iyong hayaang mag-isa, patuloy (pa rin) niyang inilalawit ang kanyang dila. Ito ang larawan ng mga tao na nagtatakwil sa Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.). Kaya’t iyong isalaysay ang kanilang kasaysayan, marahil sila ay magmumuni-muni
سَاءَ مَثَلًا الْقَوْمُ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَأَنْفُسَهُمْ كَانُوا يَظْلِمُونَ
Kasamaan ang kahalintulad ng mga tao na nagtatakwil sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), at nagtataboy sa kanilang sarili sa kamalian
مَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِي ۖ وَمَنْ يُضْلِلْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ
Sinumang patnubayan ni Allah, siya ay napapatnubayan, at sinuman ang Kanyang dalhin sa pagkaligaw, sila, sila ang mga talunan

Choose other languages: