Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #17 Translated in Filipino

قَالَ فَاهْبِطْ مِنْهَا فَمَا يَكُونُ لَكَ أَنْ تَتَكَبَّرَ فِيهَا فَاخْرُجْ إِنَّكَ مِنَ الصَّاغِرِينَ
(Si Allah) ay nagwika: “Bumaba ka (o Iblis) mula rito (sa Paraiso), hindi marapat sa iyo na ikaw ay magiging palalo rito, lumayas ka, sapagkat ikaw ay kabilang sa mga naaba at winalan ng karangalan.”
قَالَ أَنْظِرْنِي إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ
(Si Iblis) ay nagsabi: “Ako ay (Inyong) bigyan ng palugit hanggang sa Araw na sila ay ibabangon (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay).”
قَالَ إِنَّكَ مِنَ الْمُنْظَرِينَ
(Si Allah) ay nagwika: “Ikaw ay isa sa mga binigyan ng palugit.”
قَالَ فَبِمَا أَغْوَيْتَنِي لَأَقْعُدَنَّ لَهُمْ صِرَاطَكَ الْمُسْتَقِيمَ
(Si Iblis) ay nagsabi: “Sapagkat ako ay Inyong iniligaw, katotohanang ako ay uupo na naghihintay sa kanila (mga tao) laban sa Inyong Matuwid na Landas.”
ثُمَّ لَآتِيَنَّهُمْ مِنْ بَيْنِ أَيْدِيهِمْ وَمِنْ خَلْفِهِمْ وَعَنْ أَيْمَانِهِمْ وَعَنْ شَمَائِلِهِمْ ۖ وَلَا تَجِدُ أَكْثَرَهُمْ شَاكِرِينَ
At ako ay lalapit sa kanilang harapan at sa kanilang likuran, sa kanilang kanang bahagi at sa kanilang kaliwang bahagi, at hindi Ninyo matatagpuan na ang karamihan sa kanila ay nagbibigay ng pasasalamat (alalaong baga, sila ay hindi magiging masunurin sa Inyo)

Choose other languages: