Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #129 Translated in Filipino

قَالُوا إِنَّا إِلَىٰ رَبِّنَا مُنْقَلِبُونَ
Sila ay nagsabi: “Katotohanang kami ay magbabalik sa aming Panginoon
وَمَا تَنْقِمُ مِنَّا إِلَّا أَنْ آمَنَّا بِآيَاتِ رَبِّنَا لَمَّا جَاءَتْنَا ۚ رَبَّنَا أَفْرِغْ عَلَيْنَا صَبْرًا وَتَوَفَّنَا مُسْلِمِينَ
At ikaw ay gumagawa lamang ng paghihiganti sa amin sapagkat kami ay nanampalataya sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ng aming Panginoon nang ito ay sumapit sa amin! Aming Panginoon! diligan Mo po kami ng pagtitiyaga, at papangyarihin Ninyong mamatay kami na mga Muslim.”
وَقَالَ الْمَلَأُ مِنْ قَوْمِ فِرْعَوْنَ أَتَذَرُ مُوسَىٰ وَقَوْمَهُ لِيُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ وَيَذَرَكَ وَآلِهَتَكَ ۚ قَالَ سَنُقَتِّلُ أَبْنَاءَهُمْ وَنَسْتَحْيِي نِسَاءَهُمْ وَإِنَّا فَوْقَهُمْ قَاهِرُونَ
Ang mga pinuno ng mga tao ni Paraon ay nagsabi: “Inyo bagang pababayaan si Moises at ang kanyang mga tao na magkalat ng kalokohan sa kalupaan at iwanan kayo at ang inyong mga diyos?” Siya (Paraon) ay nagsabi: “Aming papatayin ang kanilang mga anak na lalaki at hahayaan namin na mabuhay ang kanilang mga babae, at katotohanang kami ay mayroong lakas na hindi matututulan.”
قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ اسْتَعِينُوا بِاللَّهِ وَاصْبِرُوا ۖ إِنَّ الْأَرْضَ لِلَّهِ يُورِثُهَا مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۖ وَالْعَاقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ
Si Moises ay nagsabi sa kanyang mga tao: “Kayo ay manikluhod ng tulong kay Allah at maging matimtiman. Katotohanan, ang kalupaan ay pag-aangkin ni Allah. Ibinibigay Niyang pamana ito sa sinumang Kanyang maibigan sa Kanyang mga alipin, at ang (maluwalhating) katapusan ay para sa Muttaqun (mga matimtiman at banal na tao na may pagkatakot kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at gumagawa ng lahat ng mga kabutihan)
قَالُوا أُوذِينَا مِنْ قَبْلِ أَنْ تَأْتِيَنَا وَمِنْ بَعْدِ مَا جِئْتَنَا ۚ قَالَ عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَنْ يُهْلِكَ عَدُوَّكُمْ وَيَسْتَخْلِفَكُمْ فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرَ كَيْفَ تَعْمَلُونَ
Sila ay nagsabi: “Kaming (Angkan ng Israel) ay nagdusa ng mga kaguluhan bago ka pa dumatal sa amin, at mula nang ikaw ay dumating sa amin.” Siya ay nagsabi: “Mangyayaring ang inyong Panginoon ang wawasak sa inyong kaaway at gagawin kayong mga tagapagmana sa kalupaan, upang Kanyang mamalas kung paano kayo magsisikilos?”

Choose other languages: